"Balita ko'y ikaw pala ang katipan ni Quincy, napaka-guwapong bata." nakangiting wika ni Dante ng maupo sa tabi ni Cameron.
Kinuha niya ang bote ng red horse at mabilis iyong ibinigay sa binata.
"Pasensya ka na, hindi kaya ng bulsa ko ang mamahaling alak."
"Walang problema." nakangiting sagot ni Cameron bago kunin ang boteng inaabot nito.
"Bago pa lamang kayo, marami pa kayong pagdadaanan sa buhay." panimula ni Dante.
"Sobrang bait na bata ni Quincy, hindi man siya nanggaling sa akin, hindi niya pinaparamdam na iba ako sa pamilya niya. Itinuring niyang kapatid ang mga anak ko na parang iisa ang kanilang ama. Tinulungan kami kapag kapos sa pera at hindi mareklamong bata." pagkwe-kwento ng matanda at nakinig naman sa kanya si Cameron. "Maliit pa lamang ng maghiwalay ang mga magulang nila at dinala ni Theresa ang batang iyon rito. Akala ko nga'y hindi kami magkakasundo pero parang sa murang edad ng batang iyon ay naintindihan niya ang situwasyon ng magulang niya."
"Nakikita ko sa kanya nong una palang na talagang hindi siya basta-bastang babae. Sa tuwing nakikita ko silang magkasama ng kaibigan ko dati, nakikita ko ang ugali na meron siya. Ibang-iba sa mga babaeng nakakasalamuha ko kaya rin siguro ako nagkagusto sa kanya." nakangiting wika ni Cameron habang nasa malayo ang tingin.
"Masasabi ko Cameron na swerte kayo sa isa't-isa."
Tumango-tango naman si Cameron bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.
"Anak."
Bumukas ang pintuan ng kwarto ng dalaga at pumasok ang kanyang ina. Nakangiti pa ito sa kanya.
"Tulog na po ba sina Isiah at Arya?" tanong ng dalaga habang pinupunasan ang kanyang basang buhok.
"Nagpapahinga na."
Umupo ang kanyang ina sa kama katabi niya. Nakangiti lamang ito habang pinagmamasdan siya sa kanyang ginagawa.
"Kumportable ba si Cameron sa kwartong ito? Pagpasensyahan mo na at medyo maliit."
"Walang problema yun kay Cameron, kaya niyang matulog kahit sa sahig." natatawang sagot ni Quincy sa ina.
"Pwede ba ako nalang ang gumawa niyan?" tanong ng ina nito sa kanya.
Kaaagad naman tumungo si Quincy at ibinigay ang tuwalya. Tumalikod siya kay Theresa saka ngumiti.
Ilang taon din bago niya maramdaman ang pag-aalaga ng isang ina.
"Natatandaan mo ba anak, araw-araw ko itong ginagawa kapag papasok ka sa eskwelahan. Pupunasan ang iyong mahabang buhok, ipupusod at lalagyan ng makukulay na hairpin para mas maging maganda ang buhok dahil ang sabi mo araw-araw kang pinupuri sa eskwelahan hindi ba?" natutuwang tanong ng kanyang ina habang patuloy sa pagpupunas ng kanyang mahabang buhok.
Napangiti naman ang dalaga ng maalala ang sinabi ng kanyang ina. Gustong-gusto niya iyon dahil araw-araw siyang pinupuri ng mga guro niya dahil sa ganda ng pagkakaayos ng kanyang mahabang buhok.
"Tanda-tanda ko pa Ma. Natandaan ko pa nga rin si Miguel. Yung kaklase ko nong grade two, umuwi akong umiiyak at huling-huli ang buhok ko dahil sinabunutan ako non." kunwaring pang nagmamaktol na ani Quincy.
"Sobrang pilyo nga ng batang iyon. Ki-lalaking tao, marunong manabunot."
Tumango-tango ang dalaga bago sila tumawang mag-isa.
"Mami-miss na naman kita anak, aalis narin kayo bukas. Hindi ko alam kung kailan ka ulit papasyal dito." nagsisimula ng maging emosyonal ng kanyang ina.
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
General FictionDifferent person but the same affection Opposite identity but the same affinity A kind of person with a different lifestyle and beliefs in life and a woman who has a peaceful world. Cameron is his name, the most annoying man in the entire universe...