Sabay-sabay na napahiga sina Cameron sa sofa sa sobrang pagod. Kapwa mga antok na ang mga ito, idagdag narin ang tama ng alak. Pinagmasdan nina Quincy ang mga ito bago magkatinginan.
"Ako na ang bahala kay Kyle Bestie." wika ni Princess habang pinagmamasdan ang kasintahan lasing.
"Hmm, Cameron." tawag ng dalaga at mabilis namang iminulat ni Cameron ang kanyang mata.
"Yes Baby?"
"Kaya mo pa bang umakyat sa kwarto?"
"Of course." nakangising tugon pa nito.
"Mauna ka na, aasikasuhin lang namin tong mga kaibigan mo."
Tumango si Cameron bago tumayo. Kaagad nitong hinapit ang bewang ni Quincy saka siniil ang labi ng dalaga. Bahagyang nanlaki ang mata nito dahil pinagtitinginan sila nina Fayette.
"Cameron, ano ka ba?" nahihiyang asik pa nito ngunit tawa lamang ang sinagot ng binata sa kanya.
"Hihintayin kita sa taas." pahabol pa nito bago magtatakbo patungo sa mahabang hagdanan.
"Yiiiiiiiieeeee, namumula ka Bestie." tinusok-tusok ni Princess ang tagiliran ng kaibigan dahilan para bahagya itong mapaliyad.
"Tsk, asikasuhin mo na ang boyfriend mo." kunwari pang naiinis na utos nito.
Tiningnan niya si Calvin na nakapikit lamang, alam niyang marami itong nainom kanina kaya imposibleng hindi ito nalasing. Dahan-dahan siyang lumapit sa binata at naupo sa harapan nito.
"Cal." hinawakan ni Quincy ang kamay nito at bahagyang inuga-uga.
"Hmm?" tugon nito.
"Magpahinga ka na, mukhang marami kang nainom."
Mumulat ang isang mata nito at kaagad na tumama sa kanya ang paningin ni Calvin.
"I'll just rest. I was lazy to stand up because I was dizzy."
"Tulungan na kita."
Tuluyan ng bumukas ang dalawang mata ni Calvin ng mahigpit na hinawakan ng dalaga ang kanyang kamay. Bahagyang hinigit ni Quincy ang katawan ng binata dahilan para mapatayo ito, iniligay ng dalaga ang isang kamay ni Calvin sa kanyang balikat para hindi siya mahirapan.
"Can I just do that?"
Napatingin ang dalawa sa kanilang harapan ng biglang humarang si Fayette.
"Are you sure?" tanong pa ni Quincy.
"Yeah." nakangiting tugon nito.
Akmang ibibigay ni Quincy ang kamay ng binata ngunit kaagad itong umayos ng pagkakatayo.
"I can walk alone." masungit na sagot nito dahilan para mangunot ang noo ng dalawang dalaga.
"Siguro ka ba Cal? Ang sabi mo ay nahihilo ka. Tutulungan ka na ni Fayette."
"Yeah, I can do it. Thanks anyway." ngumiti siya kay Quincy at ginulo pa ang buhok nito.
Sinulyapan niya pa si Fayette bago tumalikod ang simulang mag-lakad.
"Cal." nag-aalalang tawag ng dalaga ng pasiring-siring itong naglalakad papunta sa hagdanan.
Mabilis namang sumunod sa kanya si Fayette ngunit hindi naman ito pinansin ng binata.
"Busted." nang-aasar na wika ni Avryll.
"Hoy!" nagulat ang dalaga ng biglang sumigaw si Javion.
![](https://img.wattpad.com/cover/278886914-288-k839953.jpg)
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
General FictionDifferent person but the same affection Opposite identity but the same affinity A kind of person with a different lifestyle and beliefs in life and a woman who has a peaceful world. Cameron is his name, the most annoying man in the entire universe...