CHAPTER SEVENTY FOUR

192 8 0
                                    

Napatingin sina Cameron at Javion sa pintuan matapos ang sunod-sunod na doorbell.

"Sino yun?" tanong ni Javion.

Nagkibit-balikat naman ang binata bago tumayo. Naglakad ito patungo sa pintuan at kaagad yung binuksan.

"Calvin?"

"Ehh?" nakangiwing wika ni Javion ng makita ang binata sa labas ng pintuan.

"Ano pang ginagawa mo rito? Alas dose na kaibigan." nakangising sambit ni Cameron.

Imbes na sumagot, kaagad itong pumasok at naglakad papunta sa sala. Umupo ito sa malambot na sofa, ipinatong niya ang dalawang kamay sa sandalan noon bago tumingala.

"Do you have a problem?" pagtatanong ni Cameron matapos maupo sa harapan nito.

"Only now am I having problems with my life." seryosong tugon ni Calvin.

"Anong problema naman?" kunot-noong tanong ni Javion.

Bumuntong-hininga si Calvin saka yumuko.

"I don't know what goes through Fayette's mind. I don't understand her, she gives me reason to think. My life is quiet but she is slowly making things worse."

Sabay na kumunot ang noo nina Cameron at Javion sa narinig. Nagkatinginan pa ang ang dalawa sa isat-isa bago sulyapan ang kaibigan.

"What did you two talk about?" si Javion.

"I told her I wouldn't like her."

"But you kissed her right? You even said there was a reason why you did that then what is the reason for that?" si Cameron.

Napahilamos ang binata dahil hindi na niya alam ang isasagot sa bagay na iyon. Sumasakit ang ulo niya sa tuwing naiisip niya ang dalaga.

"Fayette loves you. We're not blind to see that, Calvin. Ever since we were in France, you knew he was immediately attracted to you. We know Fayette, she has been a long time friend of Ate Xavia and we can say that we know how she acts and thinks." bumuntong-hininga si Javion bago muling tumingin kay Calvin. "Alam naming seryoso siya sa nararamdaman niya para sayo dahil kung hindi, hindi naman yan uuwi ng Pilipinas kung wala lang. Sa katunayan nga, hindi yon umuuwi rito. Si Fayette yung tao na akala mo hindi seryoso sa buhay pero ang swerte mo sa babaeng yun. Lahat gagawin non para sa Isang bagay o tao. Ibibigay niya ang lahat ng makakaya niya." dagdag pa nito.

"Hindi siya ang kailangan ko JP."

"Pero hindi ikaw ang kailangan ni Quincy."

Dahan-dahang napalingon si Calvin Kay Cameron. Diretso-diretso ang tingin nito sa kanya, ni kumurap ay hindi ni Cameron magawa.

"Alam ko na yan ang dahilan kung bakit hindi mo magawang papasukin sa puso mo si Fayette. Mahal mo parin si Quincy." pag pra-prangkang wika pa ni Cameron.

Bumuntong-hininga si Cameron. Tumingin siya sa labas ng pool at pinagmasdan ang mga nandodoon.

"You're the one doing the thing that will make the situation worse, Calvin. Is it okay for you to like someone who has a boyfriend who is still your friend?"

Umiiling-iling naman ang binata bilang tugon sa tanong ni Cameron.

"Exactly. Alam mong mali. Hindi man ako nagsasalita tungkol sa bagay na yan dahil bakit pa ba ako magagalit sa bagay na ako naman ang pinili kesa sayo. Ang sakin lang, alam kung mahal mo ang girlfriend ko pero sana sa pagmamahal mong yun wag na wag kang magpapaasa ng ibang babae lalo na't alam mong masasaktan. Alam mo naman yan, Ikaw pa ang nagturo samin ng ganyang bagay."

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now