•CHAPTER TWENTY FOUR•

417 31 15
                                    

Umupo si Cameron sa bench na hinihingal, kakatapos lamang ng training nila at pagod na pagod ang binata. Tumabi sa kanya si Javion, binigyan niya ito ng tubig na mabilis naman nitong inabot.

"Pupuntahan ka ba ni Quincy?" tanong nito sa binata.

"I don't know." walang ganang sagot ni Cameron.

Buong araw siyang hindi pinansin ng dalaga. Hindi niya alam kung bakit at wala naman siyang natandaan na may nagawa siyang mali rito kahapon. Ultimong sina Calvin ay hindi din siya masagot.

Bumuntong-hininga na lamang siya bago magpatuloy sa pag-inom ng tubig.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Calvin.

Tumabi ito sa binata at tinapik-tapik ang balikat nito.

"Intindihin mo nalang. Marami kaming activities at projects ngayon kaya siguro ganon si Quin ngayon." pinipilit na pagaanin ni Calvin pakiramdam ni Cameron.

"Hmm. Pwede na bang umuwi Coach?" matamlay na tanong nito ng makalapit sa kanila ang kanilang coach.

"Pwede na."

Pagsagot na pagsagot pa lamang nito ay tumayo na si Cameron. Hinubad niya ang kanyang pantaas at kinuha ang kanyang t-shirt sa bag. Latang-lata siya na hindi niya mawari, parang kaunti na lamang ay babagsak na ang kanyang katawan sa sobrang pagod.

"Wag mo muna kasing isipin si Quincy, malay mo bukas ok na kayo." wika ni Dranreb ng makalapit sila sa tayo ng binata.

"Pagod ako Reb. Mauuna na ako sa inyo." sinakbat ni Cameron ang kanyang bag sa kabilang balikat at akmang lalakad ngunit unti-unti itong natigilan ng makita kung sinong pumasok sa entrance.

Diretsong-diretso ang tingin ni Quincy sa binata, hindi niya manlang magawang kumarap habang nilalabanan ang tingin ng binata. Nako-konsensya siya sa inasal niya kaninang umaga kay Cameron. Iniisip niya ang tungkol sa kanilang dalawa ni Cameron kaya ganoon ang kinilos ng dalaga kaninang umaga.

Tumigil si Quincy sa harapan ni Cameron. Kitang-kita niya ang halo-halong emosyon sa mata ng binata.

Quincy smiled at him.

"Tapos na practice niyo?"

"Hmm." malungkot na sagot ni Cameron sa kanya.

"Bakit ang tamlay mo?" nakangiting tanong ni Quincy sa kanya.

Pinag-aralan niya ang mukha ni Cameron, kinuha niya ang panyo na nasa bulsa ng kanyang coat at pinunasan ang pawis sa noo ni Cameron.

"See you tomorrow. Una na ako."

Natigilan ang binata at hindi makapaniwalang tiningnan si Quincy. Nagulat ito ng dahan-dahang tumingkayad ang dalaga at hinalikan ang kanyang pisngi.

"Namula si Cameron oh!" natatawang bulong ni Matthew.

"Dapat magtampo pa siya para makarami siya ng halik kay Quincy." wika naman ni Jethro.

"Sorry. Alam kung ako ang dahilan kung bakit ka ganyan." malambing na bulong ng dalaga.

Dahan-dahang ngumuti si Cameron at mabilis na niyakap si Quincy. Hinalik-halikan niya pa ang balikat nito bago isiniksik ang mukha sa leeg ng dalaga. 

"Don't do it again Quincy."

Dahan-dahan namang tumango ang dalaga. Tinugunan niya ang yakap nito saka tiningnan sina Calvin. Lumipas ang ilang segundo na ganoon ang kanilang posisyon hanggang si Cameron na mismo ang bumitaw sa yakap na iyon.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now