40: INTRAMURALS

320 15 2
                                        

That dark place gradually lit up because of the candles that served as a way. At the end of those candles, there was the red cloth lying on the grass and there was the food and wine. There are also led lights that are wrapped around the cord to the tree. May mga rose petals rin na nagkalat sa paligid ng pulang telang iyon.

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Quincy ang binata na ngiting-ngiti naman sa kanya. Dahan-dahan nilang inangat ang kaliwang kamay at senenyasan na kunin na iyon.

"Cameron." nagiging emosyonal na pagtawag ng dalaga sa kanyang kasintahan.

Imbes na sumagot, ngumiti na lamang muli si Cameron saka sila nagpatuloy sa paglalakad. Bahagya pang nanginginig ang kamay ng dalaga habang pinagmamasdan ang lahat ng nakikita. Gandang-ganda siya doon at hindi siya makapaniwala na gagawin iyon ng isang Cameron Safstrom sa kanya.

"Ayaw kitang dalhin sa mga restaurant o karaniwang pinupuntahan kapag nag de-date. I would rather take you to this kind of place, simple and quiet and for me this set-up is more romantic." nakangiting wika ni Cameron.

Tumigil sila sa paglalakad, dahan-dahan humarap si Cameron sa dalaga at matamis na ngiti ang inalay nito sa kanya.

"For me, you are special. I want to make you feel that you deserve to be treated like a princess or a queen. Sa lahat ng blessings na natatanggap ko mula kay Lord, ikaw yung blessing na gusto kong paghawakan hanggang sa mawala ako sa mundo." matamis na bulong ni Cameron sa tainga ng dalaga. "Mahal na mahal kita Quincy Safara." pahabol pa nito bago tuluyang lumayo.

"Cameron! Bakit ka ganyan?" umiiyak habang natatawang tanong ni Quincy.

Hindi na niya napigilan na maluha dahil sa kakaibang sayang nararamdaman.

"Why?" natatawang tanong rin ni Cameron habang pinupunasan ang kanyang luha. "I just want to make you feel how important you are and how much I love you Baby."

"Thank you Cameron." natigilan si Cameron ng biglang siilin ni Quincy ang kanyang labi.

Natawa na lamang siya saka tinugunan iyon.

"Kita niyo ngiti ni Cameron? Ngiting tagumpay." nakangising bulong ni Dranreb habang nakatingin sa dalawa.

Nasa hindi kalayuan sina Dranreb. Walang alam sina Alfred sa ganoong klaseng set-up kaya kailangan pa ng tulong ng magkakaibigan para lamang maisagawa ang perfect date ni Cameron.

Ngumiti na lamang si Calvin habang nakatingin sa dalawa. Masaya siya dahil masaya ang dalaga at ang kanyang matalik na kaibigan.

"Hindi ba tayo magpapakita kay Harley Quinn?" nakangusong tanong ni Kyle.

"Pwede ba Kyle? Wag ka ng umepal sa perfect date nilang dalawa." nakangising sagot ni Dwight.

"Bakit? Gusto ko lang naman sabihin sa kanya na tayo ang gumawa ng lahat ng yan." turo pa nito sa mga kandila nandodoon.

"Tsk." ani Calvin.

"May nagseselos." nang-aasar na tinatapik-tapik ni Javion ang balikat ng kaibigan at mabilis naman siyang tiningnan ng binata.

"Titigil ka o ihuhulog kita sa bangin?" nagbabantang tanong nito dahilan para itaas ni Javion ang dalawang kamay bilang pagsuko.

"I love you Baby." matamis na bulong ni Cameron matapos bitawan ni Quincy ang kanyang labi.

"I love you too Baby."

"Upo na tayo, nangangalay na ako." natatawang wika nito at natawa rin naman ang dalaga.

Loving You Is A Losing GameStories to obsess over. Discover now