Sabay-sabay na napatingin sina Calvin sa parking lot ng kanilang mansion nang makita si Cameron. Nakasandal ito sa kanyang kotse habang magka-krus ang braso at paa nito habang nakatingin sa malayo.
"Insan." nagtatakbo si Javion papalapit sa pinsan at dahan-dahang naman itong lumingon.
Kaagad na nagtama ang paningin nina Quincy at Cameron ngunit segundo lamang iyon. Umangat ang tingin ng dalaga kay Calvin na seryoso naman ang pagkakatingin kay Cameron.
"Bakit kung kailan tapos na don ka pa pumunta?" tanong ni Dranreb sa kanya.
"May inaasikaso ako." mahinang sagot ni Cameron.
Tiningnan niya ang dalaga na nakayuko. Bumuntong-hininga si Cameron bago labanan ang tingin sa kanya ni Calvin.
"Ihahatid na kita."
"Ako ang maghahatid sa kanya." pigil agad ni Calvin.
"Si Cameron nalang siguro ang maghahatid sakin Cal. Alam kung pagod ka rin maghapon saka nakakahiya na." pilit ngiting sabi ni Quincy at nilingon naman siya ng dalawa.
"Are you sure?"
"Hmm. Boyfriend ko naman si Cameron."
Tumango na lamang ang binata dahil wala narin siyang magagawa.
"Magiingat kayong lahat." kumaway-kaway si Kyle sa mga kaibigan hanggang sa makapasok ito sa kani-kanilang kotse.
"Babe, take care. Ayaw mo kasing magpahatid sakin." nakangusong niyakap nito ang kasintahan.
"Tsk, sinabi ko naman sa'yong may sundo ako."
"Alright, alright. I love you."
"I love you too."
Umalis ito sa pagkakayakap kay Kyle at mabilis na niyakap si Quincy.
"Magiingat kayo Bestie. Sana magkaayos na kayong dalawa ngayon." bulong pa nito.
"Hmm."
Pumasok narin ito sa loob ng kotse at nauna ng umalis sa mansion ng mga Fernandez.
"Hintayin nalang kita sa bahay." tinapik-tapik ni Javion ang balikat ni Cameron at pumasok narin sa kotse.
"Let's go."
Dahan-dahan inilahad ni Cameron ang kanyang kamay sa dalaga at dahan-dahang naman itong kinuha ni Quincy.
"Take care."
"Mag-iingat kayo sa biyahe Harley Quin, Fafa Cameron." parang batang pamamaalam ni Kyle sa dalawa.
"Thank you ulit para sa maghapon. Napasaya niyo ako."
Bahagyang ngumiti si Cameron sa narinig niya mula kay Quincy.
"Hmm, take care of her."
"I will."
Binuksan ni Cameron ang pintuan ng kanyang kotse at tinulungang pumasok doon. Mabilis narin siyang sumunod at bumusina pa bago umalis sa harapan ng kambal.
"Nagseselos ka?"
"Shut up Kyle Gabriel."
"May feelings ka na talaga kay Harley Quin."
"May feelings naman talaga ako kay Quin pero hindi sing lala ng iniisip mo."
"Asos, ano yung sinabi mo kagabi?"
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
General FictionCameron. The most infuriating man in existence. A whirlwind of charm and chaos, capable of both devastating cruelty and irresistible allure. He could twist any woman around his finger, a master manipulator cloaked in ungentlemanly behavior, yet some...
