Maagang nagising si Quincy para pumasok sa trabaho, miss na miss na niya ang mga ka-trabaho. Ilang araw din rin siyang hindi nakapasok dahil abala sa sa eskwela. Nakangiting lumabas ng kanyang apartment ang dalaga, hindi na siya naghihintay pang may matanggap siyang mensahe galing kay Cameron.
Unti-unti na siyang nasasanay sa wala siyang natanggap mula rito.
"Good morning Mang Toto." nakangiting bati niya sa matanda ng makita niya ito.
"Good morning. Mukhang papasok sa trabaho ah."
"Opo, ilang araw na akong hindi nakakapasok, nakakahiya na sa boss ko."
"Oh siya, magiingat ka. Ako'y pupunta muna sa bayan."
"Sige po."
Kumaway ang dalaga rito at naghintay na ng taxi.
Pagpasok niya sa restaurant, dahan-dahan siyang sinulyapan ng mga ka-trabaho at unti-unting pang nanlaki ang mga mata nito.
"Quincy!" masayang sigaw ni Angeline at nagtatakbo papalapit sa kanya.
Natawa naman siyang niyakap ng pagkahigpit-higpit ang dalaga.
Bakit na narin siya nina Lorenz at mabilis narin siyang niyakap ng mga ito."Na-miss ka namin. Araw-araw kang hinahanap ng customer natin." wika ni Ruby.
"Wala parin namang pinagbago, Ruby. Kayo? Kamusta? Kamusta dito?" tanong ni Quincy sa apat.
"Nakakapagod parin pero masaya naman." sagot sa kanya ni Andrei.
"Na-miss kung magtrabaho, itong restaurant lalo na kayo." nakanguso pang anas ni Quincy habang iniikot ang paningin sa buong lugar.
"Mas miss ka namin no. Payakap nga ulit." muli siyang niyakap ni Ruby dahilan para siya'y mapangiti.
"Pupuntahan ko si Nathaniel mamaya, hindi ko siya nadaanan ngayon."
"Alam mo ba na araw-araw kang hinahanap rito, nalulungkot sa tuwing sinasabi naming hindi ka pumasok." si Lorenz.
"Babawi nalang ako sa kanya mamaya."
Pinusod ni Quincy ang kanyang buhok at masayang pinagmasdan ulit ang buong paligid. Ngayon na lamang siya muling nakapag-trabaho kaya ganadong-ganado siyan.
Nagsimula mag-ayos ng mga upuan ang mga ito dahil ilang oras narin ay magbubukas na ang restaurant.
"Good morning, welcome to Biryani's Restaurant." masayang bungad ni Quincy sa customer.
"Good morning, Lady. Table for four please." nakangiting ani lalaking nakangiti sa kanya.
"This way Sir."
Nakangiting naglakad ang dalaga sa pinakadulong bahagi ng kaliwang bahagi ng restaurant. Tumigil siya sa table at pinaupo doon ang apat na customer. Nakangiti niyang inaabot ang menu sa mga ito bago umalis.
"Anong table yan Andrei?" tanong niya ng makita ang tatlong tray na naglalaman ng pagkain.
"Sa table 34."
"Ako na magdadala, mukhang ang daming order ah." natatawang tugon niya saka kinuha ang dalawang tray.
"Mukhang birthday ng isa nilang kasama."
"Kaya naman pala."
Bahagyang mabigat iyon kaya kaagad na siyang nagpunta sa table na iyon para ibigay ang mga orders ng mga ito.
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
Ficción GeneralDifferent person but the same affection Opposite identity but the same affinity A kind of person with a different lifestyle and beliefs in life and a woman who has a peaceful world. Cameron is his name, the most annoying man in the entire universe...