•CHAPTER THIRTEEN•

513 45 15
                                    

Tumigil ang kotse ng sampu sa parking lot ng kanilang school. Unang lumabas ng kanyang kotse si Cameron at sumunod naman sina Javion. Parang artista ang mga ito naglalakad papasok.

"Anong oras ang practice ng mga cotillion pareng Cameron?" tanong ni Kyle rito.

"Ala siete."

"Tambay muna kami sa inyo. Eight-thirty naman ang simula ng klase pwede pa kaming makanuod."

"Sige." sagot ni Cameron kay Dwight.

"Kanta tayo dali. Masyadong tahimik naman ditey so we need to do some katarantaduhan naman diba." tawang-tawa anas ni Javion at napatingin naman rito ang mga kaibigan.

"Anong kanta naman yun?" tanong ni Jethro.

"Yung me and my jowa pero dahil wala naman tayong girlfriend kaya babaguhin natin ang lyrics." nakangising sagot Javion.

Nag-isip naman siya ng ibang lyrics pero sa parehong tono. Bumungisngis siya ng may maisip na.

"Alam ko na."

"Paano? Paano Javion?" si Race.

"ME AND MY TROPA WAH!" tatawang sumayaw pa ito matapos niyang kantahin iyon.
"MA-ATTITUDE KAMI MA-ATTITUDE KAMI WAH!"

Napapangisi na lamang si Cameron habang nakatingin sa pinsan na mukhang tangang nagsasayaw habang sila'y naglalakad.

"MAHILIG SA BAKLA MAHILIG SA BAKLA WAH! ARAY!" sigaw nito ng pukpukin ni Calvin ang kanyang ulo gamit ang bote ng tubig.

"Sinong mahilig sa bakla rito?"

"Siya malamang Dwight. Siya nagsabi eh."

"Kapal naman ng mukha niyo! Magkaaminan na rito, wala kayong nakama'ng bakla?" nang-aasar tanong ni Javion.

"Tanga! Kaka-BL series mo yan. Wag mong gawing bisyo ang panunuod ng ganon, baka magulat nalang kami lalaki na pinapantasya mo imbes na babae." nakangising sabi ni Dranreb.

Nagbabangayan ang mga ito hanggang sa makarating sila sa court kung saan mag pra-practice. Mabilis na hinanap ni Calvin si Quincy na nakaupo sa bench habang nakusap ang kaibigang si Princess.

"Harley Quinn!" masayang tawag ni Kyle bago magtatakbo papalapit dito.

Napatingin ang dalaga dahil sa tawag niyang iyon. Ngumiti siya ng makita sina Calvin.

"Good morning Harley Quinn. Princess." parang batang pagbati nito sa dalawa.

"Good morning sa inyong lahat."

"Good morning. Kamusta ang trabaho?" nakangiting tanong ni Calvin ng makalapit siya dito.

"Pagod pero lagi namang worth it. Saka may ikwe-kwento nga pala ako sayo mamaya." bulong nito sa binata.

Ngumusi na lamang si Cameron at naunang umupo sa bench. Hindi pa ganoon karami ang tao sa court dahil masyado pang maaga.

"Bebe time muna kayo. Magsabi nalang kayo kapag tapos na." tinapik-tapik ni Javion ang balikat ng kaibigan bago sumunod sa pinsan.

Napabuntunghininga na lamang si Calvin dahil sa inasal ng mga kaibigan. Natawa na lamang si Quincy at muling tiningnan ang binata.

"Don muna ako." nang-aasar na wika ni Princess at mabilis na tumabi kay Kyle.

"Ano nga pala yung kwe-kwento mo?" tanong ni Calvin ng makaupo silang dalawa.

"May nakita kasi akong pulubi nong sabado. Nathaniel ang pangalan niya, naaawa ako dahil sa kalagayan niya kaya tinulungan ko. Lumayas daw sila sa kanila dahil hindi daw maayos ang pagaaruga sa kanya ng step mother niya kaya pinili niya nalang na umalis at maging pulubi nalang. Saka alam mo kahapon, nakwento kita sa kanya dahil nagtanong siya kung saan ako nagtrabaho at sinabi ko na restaurant niyo at nagulat ako dahil kilala ka pala niya." nakangiting pagkwe-kwento ni Quincy at nadamay naman siya sa ngiti ng dalaga. "Sinabi niya sakin na tulungan mo rin daw siya nong makalipas ang ilang buwan. Palagi mo daw siyang binibigyan ng pagkain galing sa restaurant sa tuwing dadaan ka don kaya nagulat ako sa sinabi niya."

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now