CHAPTER SIXTY FOUR

243 13 0
                                    

"Bestie? Matagal ka pa ba? Hinihintay na tayo nina Fayette sa baba." sigaw ni Princess mula sa labas ng kwarto ni Cameron.

"Palabas na." aniya.

Tanging sila na lamang ang nasa Paris at nauna na sina Cameron sa Marseille. Ngayon na ang araw ng kasal nina Xavia at Atticus at excited na excited siyang makatungtong ng Marseille.

Lumabas si Quincy sa kwarto at sabay nilang pinagmasdan ang isa't-isa. Pareho siyang nakasuot ng long maroon gown.

"Bagay na bagay sayo Bestie, ang ganda-ganda mo." papuri ni Princess sa kaibigan.

"Ano ka ba? Mas bagay sayo ang mga ganitong damit."

"Sheesh tara na. Baka mahuli tayo sa wedding ceremony."

Tumango ang dalaga at halos takbuhin nila pababa patungong labas ng mansion.

"Let's go." yaya ni Fayette ng makita ang dalawa.

"You're so beautiful Fayette." nakangiting ani Quincy.

"Is that enough for Calvin to like me?" nakangiting tanong nito at mabilis nagkatinginan sina Princess at Quincy.

"Hey! Stop it Fayette. It looks like Calvin didn't like you." nakangiwing singit ni Avryll.

"I'm ashamed of you. Javion doesn't like you either." masungit na tugon nito.

Sinamaan na lamang siya ng tingin ng kaibigan at mabilis na naupo. Hindi narin sila nagtagal pa doon at kaagad naring umalis.

"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Cameron sa kapatid na halatang hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan.

"I guess."

Bahagyang tumawa si Cameron at niyakap ng mahigpit ang kapatid.

"I'm happy for you. If only Mom and Dad were here, I'm sure they would be happy that their son will get married."

"I know Dekdek."

"Congratulations in advance Kuya."

Niyakap rin ni Atticus ang kapatid ng pagkahigpit-higpit bago lingunin sina Dalbert at Rosanna na pumasok ng simbahan. Nakangiti ang mga ito habang naglalakad patungo sa kanila.

"Finally, you will get married. We are very happy for you."

"Thank you Tita Rosanna."

"Aasikasuhin ko lang ang banda." pamamaalam ni Cameron at tinapik-tapik pa ang balikat ng kapatid.

"Wala pa ba sina Quincy?" tanong ni Javion ng makalapit sa kanila ang pinsan.

"Kakaalis lang ng Paris." maikling sagot ni Cameron.

Dahan-dahang lumapag ang private jet sa harapan ng simbahan. Naunang bumaba sina Alfred at sinundan naman nina Quincy.

Hindi maiwasang mamangha ng dalaga sa ganda ng lugar. Punong-puno ng puno ang paligid ng simbahan at masarap pagmasdan.

"Si Ate Xavia na ba yun?" turo ni Princess ng makitang pumasok na puting kotse sa loob ng simbahan.

"Tara, lapitan natin."

Mabilis na nagtatakbo ang apat papalapit kay Xavia. Binuksan ng dalaga ang windshield at sabay-sabay na napanganga ang mga ito sa ganda ng dalaga.

"Oh mon dieu !Je vais pleurer." wika ni Fayette habang pinapaypayan ang mata gamit ang kanyang kamay.

Trans: Oh my God ! I'm going to cry.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now