CHAPTER FIFTY THREE

260 21 1
                                    

Nakatingin si Quincy sa sariling repleksyon sa salamin. Hinihintay niya na lamang si Cameron para siya'y sunduin.

Pinagmasdan niya ang mahabang dress na abot hanggang sahig. Mataas rin ang heels na kanyang suot-suot at bahagya ring lumalabas ang kanyang mahabang hita.

Pormal na selebrasyon ang kanilang dadaluhan sa isang private event venue na pagmamay-ari ng ama ni Race. Marami ang dadalo kaya napag-isipan doon na lamang ipagdiwang ang kaarawan ng binata.

Napatingin si Quincy sa labas ng kanyang apartment ng marinig ang sunod-sunod na busina ng kilalang kotse. Mabilis siyang lumapit sa kama kung nasaan ang kanyang mini bag at mabilis na lumabas ng kanyang kwarto.

"Baby." unti-unting natigilan si Cameron ng makita ang dalaga.

Bakas na bakas sa itsura nito ang pagkamangha sa ayos ni Quincy. Napanganga pa ito habang lumalakad ang dalaga papalapit sa kanya.

"Wow." wala sa sariling wika ni Cameron ng tuluyan ng makalapit sa kanya ang dalaga.

"It was as if I was looking at an angel." papuri ng binata at mabilis na hinalikan ang labi ni Quincy.

"Ikaw talaga, tara na." pagyaya pa niya dito na mabilis namang tumayo.

Nilahad ni Cameron ang kanyang kamay sa dalaga at mabilis naman nitong kinuha. Sabay na naglakad ang dalawa at hindi maiwasang pagtinginan ng mga taong kanilang nadadaanan. Binuksan ni Cameron ang pintuan ng kotse at maingat na pinapasok si Quincy. Dali-dali naman itong umikot at pumasok sa driver seat.

"Let's go?" nakangiting tanong ni Cameron sa kanya.

Kaagad na tumango si Quincy at bahagyang kumaway ng makita si Mang Toto.

"Nasaan na daw ang kaibigan mo?"

"They are going too." sagot ni Cameron habang nasa daan ang tingin.

Dahil malapit lang naman iyon sa apartment ng dalaga, wala pang kalahating minuto ay nakarating na sila. Nakita ni Cameron ang kotse na mga kaibigan na magkakatabi. Mabilis niyang itinigil ang kanyang kotse sa tabi ng pinsan at mabilis na lumabas para tulungan si Quincy.

"This way Sir Cameron." wika ng guard makalapit sila sa entrance.

Magkahawak-kamay ang dalawa na pumasok doon at nagsimulang lumakad sa mahabang hagdanan. May red carpet pa iyon kaya ramdam na ramdam ni Quincy ang pagiging prinsesa. Maraming tao ang nakakasalubong nila ngunit hindi naman nila kilala. Ang iba ito ay mga malalapit na kaibigan ng magulang ng binata.

Kinuha ni Cameron ang kanyang cellphone para tawagan si Javion. Wala pang dalawang ring ay sinagot na ng binata.

"Where are you?" tanong nito habang iniikot ang paningin sa buong venue.

"Itataas ko ang kamay ko." sagot ni Javion at mabilis na itinaas ang kamay.

Hinanap iyon ng binata at ng matagpuan na ay mabilis ilang lumakad papalapit sa table nila.

"Nandito na pala kay----- wow!" natigilan si Dranreb sa pagsasalita ng tuluyan niyang makita si Quincy.

"Is that you, Quincy?" namamanghang tanong ni Matthew habang pinagmamasdan ang dalaga.

"Kayo talaga." nahihiyang wika ni Quincy at mabilis na tiningnan ang kaibigan.

"Bestie!" tumayo si Princess sa pagkakaupo sa tabi ni Kyle at niyakap ang dalaga.

"Ang ganda-ganda mo talaga. Bagay na bagay sayo ang suot mo." papuri nito habang pinag-aaralan ang kanyang suot.

"Mas maganda ka." natatawa namang sagot ni Quincy sa kanya.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now