•CHAPTER TWENTY SIX•

454 31 5
                                    

Nang marinig nina Quincy ang pagtunog ng bell, mabilis nilang isinarado ang kani-kanilang libro saka iyon nilagay sa bag. Tumayo si Quincy at nakangiting humarap sa kambal.

"Mauuna na ako baka kanina pa naghihintay si Cameron, kita-kits nalang bukas Cal, Kyle." humakbang siya ng isa at tinapik-tapik ang balikat ng kambal.

"Quin." pigil ni Calvin ng akmang tatayo ang dalaga.

"Bakit?" nagtatakang tanong nito sa kanya.

"May pupuntahan tayo, saglit lang." nakangiting sagot ni Calvin at mabilis na kinuha ang gamit nito at ibinigay sa kakambal.

"Hihintayin ko nalang kayo don." bulong pa ni Kyle bago magtatakbo palabas ng classroom.

Nagtataka namang tiningnan ng dalaga ang dalawa. Hinawakan ni Calvin ang braso nito saka nagsimulang maglakad.

"Saan tayo pupunta? Baka naghihintay na si Cameron sa parking lot."

"We won't be there long."

Quincy just nodded at Calvin. They quickly got out of their department building and headed to the music room. Naaaninag ni Quincy sina Javion na nakapila sa magkabilang gilid ng hallway, nakangiti ito sa kanya at hinihintay na lamang na makarating sila doon.

They stopped walking as they reached the hallway to the music room. Unti-unting kumunot ang noo ni Quincy ng makita kung anong hawak-hawak nina Dranreb.

"Ano to Cal?" naguguluhang tanong ni Quincy habang nakatingin sa pulang rosas na hawak ng mga magkakaibigan.

"Just walk straight Quin." nakangiting bulong ni Calvin at unti-unti siyang naglakad papalayo rito.

"Ang sabi ni Cameron, You have no idea how much my heart races when I see you." nakangiting wika ni Dranreb ng tumapat sa kanya ang dalaga.

Dahan-dahan niyang inabot ang pulang rosas kay Quincy at senenyasan na lingunin ni Matthew.

"So far, every moment we've spent together has been awesome. But I promise you, that the best is yet to come." matamis na aniya at agad na inabot sa kanya ang rosas.

Kahit nagtataka, hindi mapigilang ngumiti ni Quincy dahil sa mga pinagsasabi ng mga ito. Pakiramdam niya'y para siyang nasa loob ng isang pelikula.

"Salamat para dito Matthew."

"You're always welcome." kumindat pa ito at mabilis siyang pinalingon kay Jethro.

"If I could give you one thing in life, I'd give you the ability to see yourself through my eyes, only then would you realize how special you are to me." masayang anas nito. "You deserve this beautiful rose Quincy." dagdag pa ni Jethro at dahan-dahang inabot ang rosas kay Quincy.

"Ano bang meron at kailangan may ganito pa?" nahihiwagaan ngunit masasayang tanong ng dalaga sa kanya.

"Keep going to find the answer."

Inilahad ni Jethro ang kanyang kamay at inabot naman iyon ni Quincy. Naglakad sila ng bahagya hanggang sa makaharap niya si Kyle na ngiting-ngiti sa kanya.

"Hi Harley Quinn. Gusto lang iparating ni Fafa Cameron na If loving you was a job, I'd be the most deserving, dedicated, and qualified candidate. In fact, I'd even be willing to work for free!" natatawang bigkas nito at mabilis na inaabot ang rosas sa kanya.

"Hindi ko alam kung anong makikita ko sa dulo nito pero sobrang thank you rito Kyle."

"Hmm. Kay Cameron ka magpasalamat, siya kasi ang bumili niyan napag-utusan lang kami." bulong pa nito bago tumawa.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now