"Good morning Quin." bati ni Mang Toto ng makalabas siya sa kanyang kwarto.
"Good morning Mang Toto." inaantok pang sagot ng dalaga sa kanya.
Hindi siya ganoong nakatulog.
"Ingat sa pagpasok." pahabol pa nito at tinanguan na lamang niya.
Hindi narin siya nagtagal doon at dali-dali naring bumaba. Sikat na sikat na ang araw ang sariwa rin ang hangin. Bumuntong-hininga na lamang si Quincy bago mag-lakad papunta sa eskwelahan. Lutang na lutang siya at gusto niya na lamang na matulog pero hindi iyon pwe-pwede dahil may pasok siya ngayon.
Panay ang kanyang paghikab habang naglalakad sa tabi ng kalsada. Hindi na niya magawang itali ang kanyang buhok sa sobrang kalutangan. Wala pang kalahating oras ay narating narin niya sa wakas ang school. Mabilis niyang ipinakita ang kanyang ID sa scanner bago pumasok.
"Quincy."
"Hayst! Hindi ba't sinabi ko na sayong wag kang magpapakita sakin ngayong araw?" iritang tanong ng dalaga ng tawagin siya ni Cameron.
Parehong antok ang dalawa dahil sa kakaisip sa isa't-isa.
Ngumusi na lamang si Cameron at unti-unting tinabihan ang dalaga. Kaagad naman itong lumayo ngunit panay parin ang lapit ni Cameron.
"Ayaw mong makakita ng gwapong mukha?" nang-aasar na tanong nito.
"Hayst! Bakit ka ba nandito?"
"Dahil dito ako nag-aaral." pabalang na sagot ni Cameron.
"Umagang-umaga nambwe-bwesit ka na naman!"
"Umagang-umaga galit ka na naman!"
Nanliit ang mata ni Quincy ng humarap siya sa binata. Nakangisi naman ito at nilabanan ang kanyang titig.
"Bahala ka sa buhay mo!"
"Teka!" sigaw ni Cameron at mabilis na hinawakan ang braso ni Quincy.
Nanlilisik ang mata ni Quincy ng muli niyang lingunin si Cameron. Kaagad niyang hinikit ang kanyang braso at bahagyang dumistansya sa binata.
"Ihahatid kita mamaya."
"Ano?! Bakit kailangan mo akong ihatid? Kaya kung umuwi mag-isa!"
"Tsk. Ihahatid nga kita!"
"Bahala ka! Bwesit ka sa buhay ko!!" mabilis na tumalikod si Quincy at nagdadabog na naglakad papalayo sa tayo ni Cameron.
"What the hell Cameron? Ako pa ba to?" natatawang tanong ng binata habang umiling-iling.
"Cameron!"
Halos matumba si Cameron ng bigla siyang sugurin ng mga kaibigan.
"Umalis nga kayo at hindi ako makahinga!" iritang sigaw niya at mabilis namang nagsilayuan ang mga ito sa kanya.
"Ano yung nabalitaan namin?" nanlalaking matang tanong ni Dranreb.
Agad na tiningnan ng binata ang kanyang pinsan na nakataas na ang dalawang kamay bilang pagsuko sa kanya. Marahil nakwento na ni Javion ang tungkol sa bagay na iyon.
"Totoo?" hindi makapaniwalang tanong pa ni Dwight ngunit hindi niya iyon sinagot.
Naglakad siya papunta sa kanyang upuan at mabilis namang sumunod ang kaibigan sa kanya. Pinaupo lamang ng mga ito ang binata bago nagkumpulan.
"Paano nangyari yun Cameron? Joke time ba yun?" si Matthew.
"Paano si Calvin? Wag mong sabihin na handa kayong magpatayan para sa iisang babae?" ani Jethro.
![](https://img.wattpad.com/cover/278886914-288-k839953.jpg)
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
Fiction généraleDifferent person but the same affection Opposite identity but the same affinity A kind of person with a different lifestyle and beliefs in life and a woman who has a peaceful world. Cameron is his name, the most annoying man in the entire universe...