"Good morning Quin. Mukhang napaaga tayo ngayon." bati ni Lorenz sa dalaga ng makita itong pumasok.
Ngumiti naman pagkalaki-laki si Quincy sa kanya.
"Excited na ulit mag trabaho. Nasaan sina Angeline? Kayo-kayo palang ba?" tanong niya rito.
Ibinaba niya ang kanyang bag sa lamesa ng nasa kanilang harapan. Tiningnan niya ang repleksyon sa salamin saka niya pinusod ang buhok.
Maaga pa at ilan pa lamang silang nandodoon. Tahimik parin sa kabuohan ng restaurant dahil wala pang customer na pumapasok. Sa kotse naman ay busy na ang mga cook sa pagluluto ng mga pagkain. Natapos ni Quincy ang ginagawa at mabilis na kinuha ng pamunas ng lamesa. Sinimulan niyang punasan at ayusin ang bawat vase na nakapatong doon.
"Napunasan na ba ang mga glass wall?" tanong ni Quincy.
"Si Andrei na ang bahala diyan mamaya pagdating niya."
"Ako na."
Kinuha niya ang spray bottle at bagong pamunas para sa glass wall na iyon. Pinagbuksan siya ng guard at tinulungan sa dala-dala nitong upuan.
"Diyan nalang po salamat." turo niya sa kanyang tabi.
Maingat siyang tumuntong doon at sinimulan ang pagpupunas. Hindi matanggal ang ngiti sa kanyang labi hanggang ginagawa iyon. Sumasabay pa siya sa radio na tumutunog.
"Quin. Good morning. Good mood tayo ngayon ah."
Napatingin siya sa pintuan ng marinig ang boses ni Angeline na kakarating lamang.
"Good morning Ange. Kamusta ang trabaho kahapon?" tanong niya rito.
Mabilis niyang tinapos ang ginagawa sa bandang taas at bumaba narin siya sa pagkakatapak sa bangko.
"Always nakakapagod, habang tumatagal mas parami ng parami ang customers natin." nagtatakbo ito papalapit sa kanya kaya hindi niya maiwasang magulat ng ilapit pa nito ang kanyang mukha sa kanyang mukha. "Alam mo ba? Maraming naghahanap na customers sayo."
"Huh? Bakit daw?" nagtatakang tanong ni Quincy kay Ange.
"Siguro natutuwa sa service mo. Sabi nila ang ganda daw ng vibes mo kapag kinakausap mo sila kaya siguro hinahanap ka."
"Anong sagot mo sa kanila nong hinahanap ako?"
"Ayon, sabi ko tuwing Saturday and Sunday ka lang nag tra-trabaho dito at babalik nalang daw sila."
Ngumiti naman si Quincy sa sinabi nito. Hindi niya inaasahang may mga customers na magugustuhan siya ng ganoon kabilis.
Natapos niya ang ginagawa kaya dali-dali narin siyang pumasok. Dumating narin ang kanilang katrabaho at nang matapos na ang kanilang ginagawa, binuksan na ang restaurant. Ilang minuto palang ang nakakaraan, sobrang dami na ng na-assist ng dalaga. Tulad ng sinabi ni Angeline, maraming bumalik na customers dito para lamang makita ang dalaga. Walang mapaglagyan ang tuwa kay Quincy, gusto niyang magtatalon sa tuwa habang nakatingin sa mga customers na masayang kumakain doon.
"Saang table ka pupunta?" tanong nito kay Lorenz ng makita ang maraming dala ng binata.
"Sa second floor."
"Samahan ng kita. Masyadong marami ang orders nila, hindi ba sila kumakain?" nagbibirong tanong ni Quincy habang nakatingin sa mga pagkaing nasa harapan.
"Mukha namang hindi napabayaan ng mga iyon ang katawan nila saka mga mayayaman." sagot ni Lorenz.
"Tulungan na kita."
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
General FictionDifferent person but the same affection Opposite identity but the same affinity A kind of person with a different lifestyle and beliefs in life and a woman who has a peaceful world. Cameron is his name, the most annoying man in the entire universe...