Cameron opened his eyes. Malakas ang ulan dahilan para lalong lumamig ang pakiramdam ng binata. He looked at his own clock before he got out of bed. He went into the bathroom to take a bath. Bahagya pang nakapikit ang kanyang mata ng makalabas siya ng sariling kwarto.
"Good morning Dekdek." bati ni Xavia na nagluluto ng kanilang umagahan.
Tanging silang tatlo lamang ang nandodoon dahil umuwi muna si Javion sa sarili nitong pamilya dahil narin sa gustuhan ng kanyang ama. Cameron quickly looked for his brother who was sitting in their living room. Naglakad siya papalapit rito at naupo sa tabi ni Atticus.
He was distracted because of what Cameron had done. Inihiga ni Cameron ang kanyang ulo sa kandungan ng kanyang kuya bago tiningnan ang mukha nito. Dahan-dahan siyang ngumiti saka hinila ang leeg ni Atticus para mahalikan niya ang baba ng kapatid.
"You are finally awake Dekdek. Good morning." malambing na bulong ng binata bago halikan ang noo ni Cameron.
"Good morning."
Tiningnan ni Cameron ang malakas na ulan na bumabagsak sa kanilang swimming pool. Ramdam na ramdam niya ang lamig dahil doon.
"Tito Dalbert and I talked last night." panimula ni Atticus sa kapatid.
Mula sa pagkakatingin sa labas, unti-unting nilingon ni Cameron ang kapatid.
"For what?"
"I need to go to Morocco to do our mission. That's where our next target is. He is Abdelmalek Bennani. Tito Dalbert said that he had been living there since he killed our parent. I also found out that, that one was a director now. There will be a Director awards and he is one of them."
Mabilis na bumangon si Cameron mula sa pagkakahiga sa kapatid. Kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa kapatid.
"Bakit ngayon mo lang sinabi sakin?"
"Kailangan pa ba nating pag-usapan ang bagay na yun sa ganong klaseng lugar?" nakangising tanong ni Atticus.
"Do I have to come?"
"No, I can handle it Cameron. May pasok ka bukas, mas kailangan mong unahin ang pag-aaral mo."
"Is Ate Xavia coming home too?" tanong niya at mabilis naman itong tumango.
"Kilala mo naman ako, kapag may misyon, kailangan kong protektahan ang Ate Xavia mo. Kayo nalang ang meron ako at hindi ko hahayaang may mawala pa sa inyo. Baka ikamatay ko." seryosong sagot ni Atticus bago niya ngitian ang kapatid.
"Kailan kayo babalik? I can't bear not to be with you Kuya. Nandiyan nga si JP pero iba parin yung kapatid ko mismo ang kasama ko." parang batang wika ng binata dahilan para tawanan siya ng kapatid.
"I will be back too. I can't promise when it was but I can promise I'll be back Dekdek."
Tumango na lamang si Cameron at muling niyakap ang kapatid.
"It's raining. Do you want us to bathe in the rain?" nakangiti tanong nito.
"Tsk. Hindi na tayo bata Kuya."
"Bakit? Bata lang ba ang may karapatang maligo sa ulan?" nang-aasar na tanong muli nito at tinawanan siya ni Cameron.
Tumayo si Atticus mula sa kanyang pagkakaupo at dahan-dahang inilahad ang kamay sa harapan ni Cameron. Tiningnan muna iyon nito bago kunin. Nagkatinginan ang dalawa at sabay-sabay na ngumiti.
Magkahawak ang kamay ng dalawa na nagtatakbo sa swimming pool at halos umalon iyon dahil sa pagtalon nila. Napatingin doon si Xavia at dali-dali siyang magtatakbo papalapit sa dalawa. Hindi niya napigilang ngumiti ng makitang nagta-tampisaw sina Cameron at Atticus doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/278886914-288-k839953.jpg)
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
General FictionDifferent person but the same affection Opposite identity but the same affinity A kind of person with a different lifestyle and beliefs in life and a woman who has a peaceful world. Cameron is his name, the most annoying man in the entire universe...