"Sir Atticus." may bahid ng takot sa tono ng pananalita nito.
Padarag na inalis ni Atticus ang kamay nito dahil para bahagyang mapaatras ang binata. Mabilis na tumango sina Merano para magbigay galang rito.
"What right do you have to brag within my territory?" ma-awtoridad na tanong nito at hindi naman agad nakaimik si Merano.
Tiningnan ni Atticus ang kapatid na masama ang tingin sa kabilang grupo. Nakita niya lahat kung paano kadumi maglaro mga ito at hindi niya hahayaan pang magpatuloy ito sa kanyang ginagawa.
"Good afternoon Sir Atticus. I apologize for what my team did." wika ng Coach nina Merano.
Dahan-dahan nilingon ng binata ito, makahulugang tiningnan niya ang matanda bago tiningnan ang referee na tumango naman sa kanya.
Nagsalita ito para sabihin na disqualified na ang team ng mga ito. Kaagad na napayuko ang lima dahil sa hiya at galit ng coach sa kanila. Bumuntong-hininga na lamang si Cameron bago mag-angat ng tingin kay Quincy na nakatitig naman sa kanya.
Dahil disqualified na ang team, hindi na nila kailangan pang magpatuloy sa paglalaro. Sabay-sabay na naglakad ang lima pabalik sa kanilang bench at sabay-sabay ring umupo. Kinausap rin naman ni Atticus ang committee tungkol sa nangyari.
Masama ang tingin nina Kyle kina Arellano ng magkatinginan ang mga ito. Hindi na muling nagsalita si Cameron at nanahimik na lamang.
"Puntahan ko muna." mahinang wika ni Quincy sa kaibigan.
"Sama na ako."
Tumango na lamang siya at dali-daling tumayo sa pagkakaupo. Kaagad silang bumaba at naglakad papunta sa bench nina Cameron.
"Cameron." mahinang tawag ng dalaga dahilan para lingunin siya ni Cameron.
"Hmm?"
"Ayos ka lang ba?"
"I'm alright Quincy." walang reaksyong sagot nito sa kanya.
Kinuha ni Quincy ang towel nito at mabilis na pinunasan ang mukha ni Cameron. Nanatili lamang na nakatingin ang binata sa kanya. Wala itong kahit anong ginawang aksyon para siya'y hawakan. Hindi na lamang niya pinansin pa iyon at pinagpatuloy na lamang ang ginagawa. Inabutan niya pa ito ng tubig bago tumayo at lapitan si Dranreb.
"Ayos ka lang ba Dranreb?" nag-aalalang tanong niya dahilan para naman siya'y lingunin ng binata.
"Ayos lang ako Quincy. Salamat sa pag-aalala." nakangiting sagot naman nito sa kanya.
Umangat ang tingin ng dalaga kay Calvin bago tumingin muli kay Cameron. Umiling-iling na lamang ang mga ito bago kunin ang kani-kanilang gamit. Kailangan na nilang magpahinga.
"Let's go. I want to rest." walang emosyong wika ni Cameron.
"Sige."
Walang salitang kinuha nito ang gamit niya at sinakbat iyon sa kabilang balikat niya bago maunang maglakad. Nakita niya si Xavia pero hindi niya manlang hinintuan ang dalaga dahil nagpatuloy lamang ito sa paglalakad. Pilit na ngumiti na lamang si Quincy rito.
Sumunod narin ang kaibigan niya at tinahak nila ang daan patungo sa parking lot. Nasa likuran lamang ni Cameron ang dalaga at nasa tabi naman nito ang kaibigang si Princess.
"Hindi parin kayo okay?" bulong ni Princess ng mapansing hindi parin pinapansin ni Cameron ang kaibigan.
"Hindi ko alam Princess." malungkot na aniya.
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
Fiksi UmumDifferent person but the same affection Opposite identity but the same affinity A kind of person with a different lifestyle and beliefs in life and a woman who has a peaceful world. Cameron is his name, the most annoying man in the entire universe...