33: INTRAMURALS

364 27 0
                                        

"Nasaan na sina Cameron?" kunot-noong tanong ni Javion habang iniikot ang paningin sa buong paligid.

"Wag mong tanungin, hanapin na mismo natin! Nagugutom narin ako." ani Jethro at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nakakailang rides na siguro at kung hindi pa ata sila nakakaramdam ng gutom ay hindi sila titigil.

Nakasandal si Cameron sa dingding habang nakatingin sa dalaga na masayang tumitingin ng mga souvenir. Panay ang ngiti nito sa tuwing hahawak ng mga bagay na nasa loob ng shop.

Kumunot ang noo ng binata ng mapansin niya ang isang lalaking kanina pa lumalapit kay Quincy. Kitang-kita niya kung paano ito tumitig sa kanyang kasintahan at hindi niya iyon gusto.

"Baby." malakas na tawag niya dahilan para mapatingin si Quincy pati narin ang lalaki.

Sumama pa lalo ang kanyang tingin ng magtama ang paningin nilang dalawa noong lalaki.

"Bakit?"

"Are you done buying?"

"Hmm. Babayaran ko nalang." nakangiting sagot ni Quincy at mabilis na lumapit kay Cameron.

"Good. Baka makapatay pa ako kung magtatagal pa tayo dito." pagpaparinig pa ng binata bago kunin ang lahat ng dala-dala nito.

Nagtataka namang tumingin si Quincy kay Cameron. Nagtataka siya kung bakit nito sinabi ang bagay na iyon. Unti-unti niyang sinulyapan ang lalaking nasa likuran niya, dahan-dahan itong ngumiti kaya mabilis niyang iniwas ang kanyang tingin.

"Magkano po?"

"Bayad na. Halika na." wika ni Cameron.

Pinagsakop niya ang kanilang kamay hanggang sa makalabas ng shop na iyon. Hindi napigilan ni Quincy na hindi matuwa dahil alam na niya kung bakit ganoon ang binata.

"Nagseselos ka no?" nang-aasar na tanong ni Quincy dahilan para lingunin siya nito.

"Tsk. Kanino naman?"

"Don sa lalaking katabi ko kanina."

"Tsk. Ki-lalaking tao sobrang landi. Hindi ko gusto ang paraan ng tingin niya sayo Baby." seryosong sagot ni Cameron.

"Hindi parin naman niya ako maagaw sayo. Si Cameron lang ang gusto ko." nakangiting bulong ng dalaga.

Unti-unting sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ni Cameron ng marinig ang bulong nito.

Ang mga paru-paro na naman sa loob ng tiyan ni Cameron!

"Really? Halikan mo nga ako sa harapan ng maraming tao."

Umawang ang labi ni Quincy at hindi makapaniwalang inangat ang tingin sa binata. Nang mapansin iyon ni Cameron, tumawa naman ito ng tumawa kaya hindi niya napigilang samaan ito ng tingin.

"I'm just joking Baby."

"CAMERON!" sigawan nina Dranreb ng makita ang dalawa na naglalakad papalapit sa kanila.

"Pwakanangina! Ang tagal niyong mag-date. Gutom na kami." busangot na ani Javion at bahagya pang sinuntok ang balikat ng pinsan.

"Bakit hindi kayo kumain?!"

"Hinihintay ka namin dahil ikaw ang magbabayad ng kakainin namin." bungisngis na singit ni Kyle.

"Ang kapal rin naman pala ng mukha ng kambal mo Calvin Amadeus. Mga negosyante nga naman." nakangising ani Cameron.

"Tsk."

"Mamaya na kayo mag-away, kakain muna tayo!" asik naman ni Dwight at nagtatakbo na papunta sa exit.

Loving You Is A Losing GameStories to obsess over. Discover now