Natapos ang klase at nasa locker sina Cameron para ilagay ang kanilang gamit doon.
"May short film making competition daw bukas ng hapon. Mag pe-perform daw ang banda." wika ni Dwight.
"Alam mo ba yun Insan?" kunot-noong tanong ni Javion at tumango naman si Cameron.
"Only one song will be sung." walang ganang sagot niya.
"Walang practice-practice ba to?" nakangising tanong ni Race.
"Bukas ng umaga, pumasok kayo ng maaga. Tapos ang usapan." seryosong sagot muli ni Cameron at halos ibalibag ang pintuan ng kanyang locker.
"Ihahatid mo ba si Quincy?"
Tiningnan ng binata ang kanyang pinsan bago bumuntong-hininga. Inilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon saka naglakad.
"Mauna ka ng umuwi." pahabol niya pa kay Javion bago tuluyang nilisan ang locker room.
"Hindi ko na talaga alam ang takbo ng bituka ng isang iyon."
"Hayaan mo na. Hindi pa tayo sanay kay Cameron." nakangiwing tugon ni Dranreb kay Javion.
Umakyat si Cameron sa building nina Quincy. Sumandal siya sa railings at pasimpleng sinulyapan ang dalaga sa loob ng classroom nito. Bahagya siyang lumiyad saka pinagkrus ang mga braso.
Nang tumunog ang bell, mabilis na nagsitayuan ang mga istudyante sa loob.
"Hinihintay ka na ni Cameron." bulong ni Mariyah at bahagya pang tinuro ang binata.
Mabilis namang napatingin doon si Quincy at nakita nga niya si Cameron.
Tiningnan niya sina Calvin na nag-aayos ng gamit bago niya ayusin ang gamit niya.
Paglabas nilang dalawa, kaagad na nagtama ang paningin nilang dalawa.
"Hintayin nalang namin kayo sa parking lot." pamamaalam ni Calvin at bago pa niya iwanan ang dalawa ay ginulo pa nito ang buhok ng dalaga.
Tumango lang sa kanya si Cameron.
Kinuha ng binata ang kanyang bag at siya na mismo ang nagdala noon. Hindi naman mapagilang matuwa ng dalaga sa ginawa nito.
"Ihahatid mo ba ako?"
"Hmm."
"Talaga?" parang kuminang ang mata ni Quincy sa sagot na iyon ni Cameron.
"Hmm." tipid na sagot ulit nito.
Ngumiti si Quincy at dahan-dahang hinawakan ang kamay ni Cameron. Pinagsakop niya pa iyon dahilan para lingunin siya ng binata.
Naramdaman na naman ng binata ang mga paru-paro sa loob ng kanyang pagkatao. Gustong-gusto niyang gumawa ng aksiyon pero pinipigilan niya na lamang iyon. Iniwas niya ang tingin sa dalaga at bahagyang kinagat ang labi para mapigilan ang ngiting gustong kumawala sa kanya.
Dumating sila sa parking at nandodoon na ang mga kaibigan niya. Bahagya pang natigilan ang mga ito ng makitang magkahawak kamay ang dalawa.
"Hindi ba't sinabi kung mauna ka ng umuwi? Bakit niyo pa kami hinintay?" kunot-noong tanong ni Cameron sa mga ito.
"Gusto ka naming hintayin, bakit ba?" nakangising tanong rin ni Javion sa kanya.
"Tsk."
Binitawan ni Cameron ang kamay ni Quincy at naglakad papunta sa passenger ng kanyang kotse at binuksan ang pintuan noon.
"Bye bye Bestie, see you tomorrow." niyakap ni Princess ang kaibigan bago lumapit sa kanyang kasintahan.
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
Ficción GeneralDifferent person but the same affection Opposite identity but the same affinity A kind of person with a different lifestyle and beliefs in life and a woman who has a peaceful world. Cameron is his name, the most annoying man in the entire universe...