Paglabas na paglabas ni Quincy sa restaurant, nagulat siya ng makita si Cameron na naglalakad papalapit sa kanya. Seryoso parin ang tingin nito at dahan-dahang pang nagbaba ng tingin sa hawak-hawak niyang bulaklak.
"Cameron." mahinang pagtawag ng dalaga.
Tumigil ang dalawa sa paglalakad ng ilang pulgada na lamang ang layo nila sa isa't-isa.
"Ba-kit ka nandidito?"
"Who is that from?" tanong niya at tumuro pa sa bouquet.
"H-indi ko alam. Wala naman sina-bi yung panga-lan ng nagbigay." nakayukong sagot ni Quincy.
"Hmm."
"Hind-i naman sa nag a-assume ako, pero sa-yo ba galing mga to?"
"Hindi."
Kumuyom ang kamay dalawang kamay ni Cameron matapos na isagot iyon. Nakita niya sa dalaga ang panlulumo ngunit wala siyang ginawa.
"Hindi ko alam na may manliligaw ka na pala."
"Wa-la. Hindi ko naman gagawin yun dahil may boyfriend na ako. Ibibigay ko nalang sa iba."
"Hindi na. Tara na."
Kinuha ni Cameron ang bag ni Quincy at naunang maglakad papunta sa kanyang kotse. Malungkot naman na tiningnan ng dalaga ang likuran nito bago sumunod.
"What are you waiting for?" nagtatakang tanong ni Cameron ng makitang nasa labas parin si Quincy.
"Akala ko ay pagbubuksan mo ako ng pintuan." mapaklang sagot ng dalaga.
Bumuntong-hininga na lamang si Cameron at iniwas ang kanyang tingin.
Malungkot na pumasok si Quincy sa loob ng passenger seat at hindi na nagsalita pa. Hindi narin sila ng tagal pa doon at mabilis na pinaharurot ni Cameron ang kanyang kotse papunta sa apartment ng dalaga.
Alam niyang pagod na pagod ito sa trabaho at kailangan nang magpahinga.
Tumigil ang kotse sa harapan ng apartment at mabilis na kinuha ni Quincy ang kanyang bag.
"Salamat sa paghatid, ingat ka pag-uwi." walang ganang wika niya.
Akma siyang lalabas ng kotse ngunit kaagad na nahawakan ni Cameron ang kanyang kamay at mabilis na siniil ang kanyang labi.
Unti-unting namasa ang kanyang mata ng maramdaman ang mahigpit na yakap ng binata sa kanya. Kaagad niya ring tinugunan ang halik at yakap na iyon na sobrang tagal niyang hindi naramdaman.
Tumigil ang paggalaw ng mukha ni Cameron at dahan-dahang iyong lumayo sa kanya. Parehas silang habol hininga habang nakatingin sa mata ng isa't-isa.
"Mahal na mahal kita Cameron." humihikbing sambit ni Quincy.
"Hmm, pumasok ka na. Alam kung pagod ka sa trabaho." gamit ang kanyang hinlalaki ay pinunasan niya ang mata ng dalaga.
Hindi na nagsalita pa si Quincy at mabilis na bumaba sa kotse nito. Hindi na niya nagawa pang lingunin si Cameron, pigil na pigil ang kanyang emosyon habang tinatahak ang sariling kwarto.
"I'm sorry for hurting you, Baby." mahinang anas ni Cameron habang nakatingin sa likod ng kasintahan.
"I love you." pahabol pa nito bago umalis doon.
Pagpasok na pagpasok pa lamang ni Quincy sa loob ng kanyang kwarto, kaagad siyang nagtatakbo papunta sa kanyang kama at doon isinubsob ang mukha. Bumuhos ng bumuhos ang luha ni Quincy habang inaalala ang binata.
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
סיפורת כלליתCameron. The most infuriating man in existence. A whirlwind of charm and chaos, capable of both devastating cruelty and irresistible allure. He could twist any woman around his finger, a master manipulator cloaked in ungentlemanly behavior, yet some...
