CHAPTER FIFTY

346 15 0
                                    

Kasalukuyang nasa veranda ang dalawa habang nakatitig lamang sina Cameron at Quincy sa madilim na dagat. Naupo sa single sofa ang binata habang nakaupo naman sa pagitan niya ang dalaga.

Hinahagod-hagod ni Cameron ang pisngi at buhok ng kasintahan habang hagod-hagod naman ni Quincy ang bisig nitong nakayapos sa kanyang bewang.

"Pauwi na tayo bukas Cameron. Mami-miss ko ang lugar na to." nakangiting anas ni Quincy habang nanatili ang tingin sa harapan nila.

"Me too Baby."

"Gusto kung bumalik ulit sa lugar na to."

"Maybe on our honeymoon?"

Tumawa naman ang dalaga at tumango sa kanya.

"How are you feeling? Masakit parin ba?" nang-aasar na tanong ng binata at dahan-dahang tumingala ang dalaga sa kanya.

"Akala ko ba sa una lang masakit? Bakit hanggang ngayon ramdam ko parin?" kunot-noong tanong ni Quincy na kinatawa na naman ni Cameron.

"Don't worry Baby, mawawala din yan." hinalikan naman nito ang kanyang noo at muling niyakap ng pagkahigpit-higpit.

"You know how much I love you right?" bulong ni Cameron at tumango naman ito.

"Gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang Quincy. Ayokong makikitang nasasaktan ka ng kahit sino, maging ako."

"Mahal din kita Cameron at gaya ng sabi mo, ayoko rin malaman na nasasaktan ka dahil doble yung sakit pagdating sakin."

"Basta, mahal kita." masayang sagot ni Cameron.

Ngumiti naman ang dalaga at tumayo. Tiningnan naman siya ng binata at inaalam kung anong susunod niyang gagawin.

Paharap na umupo si Quincy sa kandungan ni Cameron at mahigpit na yumakap sa leeg nito.

"Mahal na mahal rin kita Cameron. Sobra pa sa sobra."

"Magmahalan nalang tayo, wag nating isipin ang problema." natatawang wika nito at tumango-tango naman siya.

"Quincy."

"Hmm?"

"Wag mo akong iiwan."

"Bakit mo naman naisip ang bagay na yan? Mukha ba kitang iiwanan?" nagtatakang tanong ni Quincy at pinagmasdan pa ang mukha ng binata.

"Hindi naman natin masasabi kung anong mangyayari bukas o sa susunod na araw. Maaaring may mangyaring magiging dahilan para ilayo ka sakin." malungkot na sagot nito sa kanya.

"Wag kang mag-aalala Cameron. Hindi kita iiwan. Nandidito lang ako palagi sa tabi mo. Mahal kita at kapag iniwan kita, para ko naring iniwanan ang sarili ko."

"Talaga?" kinikilig na tanong nito at kaagad naman siyang tumungo.

"Gusto na talaga kitang pakasalan tapos gawa agad tayo ng panganay."

"Wag mo ngang minamadali ang pagpapamilya Cameron. Darating rin naman tayo diyan pero hindi muna ngayon."

"I know I know." parang sumusuko ng sagot nito sa kanya.

Kumunot ang noo ni Cameron ng makarinig ng ingay galing sa kabilang kwarto.

Kwarto nina Javion.

"Hindi tayo pinalaki ng Sexbomb para bumayo-bayo lang, igiling niyo mga Pre." natatawang sigaw ni Javion bago gumiling ng gumiling at sinasabayan ang malakas na tugtog.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now