Isang linggo narin ang nakakaraan at wala naman nagbago. Tahimik ang buong campus, wala naring lumabas na kahit anong balita tungkol kay Cameron at Eliana. Mas pinagbuti rin ni Quincy ang kanyang pagtra-trabaho at hindi niya maiwasang matuwa dahil sa mga papuri pang kanyang natatanggap. Naulanan pa siya noong linggo dahilan para lagnatin siya ngayong araw. Pinilit niyang pumasok dahil nanghihinayang rin siya sa isang araw na lesson.
"Are you sure you're okay?" nag-alalang tanong ni Calvin habang nakatingin sa dalaga.
Kahit katabi niya ito ay ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nito.
"Ayos lang ako Calvin." pilit siyang ngumiti sa binata para maiwasan na nito ang pag-aalala.
Hindi na nangulit pa ang binata rito. Bumuntong-hininga na lamang siya at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.
"Naiwanan ko libro ko sa locker." bulong niya at mabilis na tumayo.
"Saan ka pupunta?"
"Sa locker." sagot niya kay Mariyah.
"Kunin ko lang po sa locker ang libro ko Sir." pamamaalam nito at dali-daling lumabas ng kanilang classroom.
Medyo nahihilo pa siya dahilan para mapahawak siya sa railings ng hagdanan. Bumabaliktad ang kanyang sikmura kaya nararamdaman siya ng pagduduwal. Ramdam na ramdam niya rin ang panlalamig ng paa pero pinilit niyang maging normal sa harapan ng istudyante nakakasalubong niya.
Sumisinghot-singhot siya ng makarating sa kanyang locker. Hinang-hina niyang binuksan iyon saka kinuha ang kanyang libro. Pagsara niya noon, bahagya siyang nagulat ng makita si Cameron na nakasandal sa katabi niyang locker. Kunot na kunot ang noo nito habang pinag-aaralan ang istura ng dalaga. Unti-unting umangat ang kanyang kamay at inilagay iyon sa noo ni Quincy.
"Nilalagnat ka." kunot-noong wika ni Cameron dito.
"Ayos lang ako." mabilis na tinanggal ni Quincy ang kamay nitong nasa kanyang noo at bahagya pang lumayo.
Ayaw niyang may makakita sa kanilang dalawa at makarating kay Eliana.
"Tsk."
Nagulat siyang muli ng hawakan nito ang kanyang kamay bago nag-lakad. Napasunod na lamang ang kanyang katawan rito.
"Bitawan moko Cameron baka may makakita sa atin." nagpupumiglas si Quincy pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak noon ni Cameron.
Unti-unti nilang naagaw ang atensyon ng lahat ng istudyante na kanilang nadadaanan. Wala namang pakialam si Cameron kahit na alam niyang makakarating iyon kay Eliana. Nagbaba siya ng tingin kay Quincy na nakatungo at pilit na tinanggal ang kamay niya sa bisig nito.
"Pwede bang wag kang malikot? Wala akong gagawing masama sayo." naiinis na bulong niya rito.
"Saan mo ba kasi ako dadalhin? May klase pa ako."
Imbes na sumagot, mabilis niyang pinapasok si Quincy sa clinic. Napatingin ang nurse sa dalawa, senenyasan ni Cameron ito na lumabas na mabilis naman nitong sinunod. Pinaupo niya si Quincy sa hospital bed at dali-daling nagpunta sa drawer kung nasaan ang mga gamot. Kumuha din siya ng tubig at nilapag iyon sa table na nasa tabi ng dalaga. Kumuha rin siya ng bimbo at maligamgam na tubig bago umupo sa tabi nito.
"Ayos lang ako Cameron, hindi mo na kailangang gawin yan." pagpipigil ni Quincy pero hindi siya pinansin nito.
"Higa."
"An-o?" kinakabahang tanong ni Quincy.
"Paano kita pupunasan kung ganyan ang ayos mo? Wag kang mag-aalala hindi ako nangangain ng tao sa umaga." nakangising sagot ng binata.
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
Fiksi UmumDifferent person but the same affection Opposite identity but the same affinity A kind of person with a different lifestyle and beliefs in life and a woman who has a peaceful world. Cameron is his name, the most annoying man in the entire universe...