Bumukas ang pintuan ng opisina ni Cameron at pumasok doon si Quincy. Nakangiti ito habang pinagmamasdan ang lugar na kalasukuyang inaayos ang mga gamit dahil ilang buwan na lamang ay gagamitin na iyon ng binata.
"Hi there, Baby." malambing na bungad ni Cameron sa dalaga.
"Hi." matamis na tugon naman nito.
"How is your bonding with Princess? Have you chosen your wedding gown yet?"
"Hmm okay naman, pagkasama ko talaga si Princess nagmumukha akong maarte." natatawang tugon ng dalaga.
Naglakad si Quincy sa table ni Cameron at naupo doon. Muli niyang inikot ang paningin bago sulyapan ang kasintahan.
"Engr. Cameron Declan Nile Nachreiner Safstrom." nakangiting pagbabasa niya sa pangalan ng binata.
Ngumiti naman nagpagkalaki-laki si Cameron bago humakbang papalapit sa dalaga. Niyakap niya ang bewang nito at inihilig ang ulo sa dibdib ni Quincy.
"I want the day to come when we will have a happy family, Baby."
"Malapit na yun, Cameron. Ikakasal na tayo hindi ba?" wika ni Quincy habang hinagod-hagod ang buhok nito.
"Yeah, right."
"Saka nga pala, nabasa ko yung message sakin ni Calvin. Umalis na pala siya kanina." aniya matapos maalala ang binata.
"Hmm yeah. He never went to you because he also had to leave."
Umalis si Cameron sa pagkakayakap sa kasintahan at sumandal sa table kung saan nakaupo si Quincy. Pinagkrus nito ang mga braso pati narin ang mga paa bago muling magsalita.
"Would you be angry if I gave him a gun?"
"Ano?!" gulat-gulat na tanong ni Quincy ng marinig ang sinabi nito.
"Binigyan ko siya ng baril." pag-uulit pa nito.
"Bakit? Para saan?" waring kinakabahang tanong pa ng dalaga.
"For his own protection. He is far away from us and at any time something may go wrong. It's better that he's ready for that thing." seryosong anito.
"Hindi ko maintindihan Cameron. Anong ibig mong sabihin? May mangyayari na namang bang hindi maganda?"
Bumuntong-hininga si Cameron at mahigpit na hinawakan ang kamay ng dalaga. Tinitigan niya ang mga mata nito at bakas na bakas doon ang takot.
"Hindi ko alam kung maiiintindihan mo pero delikado tayo dito. Nasa Pilipinas si Roa at hindi impossibleng may pakialamanan siya sino man sa inyo."
"Sino si Roa?"
"Kahit naman sabihin ko sayo ay hindi mo makikilala." ngumiti ng pilit si Cameron at hinawakan ang pisngi ng dalaga. "Wag na wag kang aalis ng hindi ko alam. Ayokong mapapahamak ka ng wala manlang akong magagawa para protektahan ka. Ayokong sino man sa inyo ay masasaktan dahil sa amin."
"Cameron."
Ngumiti na lamang ito at dahan-dahang hinalikan ang kanyang noo.
"Don't even think about that thing. This is not the time to trouble that matter."
Akmang sasagot pa ang dalaga ngunit bumukas na ang pintuan at sumilip doon si Efren.
"Pa."
"Nandidito lang pala kayo, halika na kayo at handa na ang gabihan." nakangiting pagyaya nito sa dalawa.
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
General FictionCameron. The most infuriating man in existence. A whirlwind of charm and chaos, capable of both devastating cruelty and irresistible allure. He could twist any woman around his finger, a master manipulator cloaked in ungentlemanly behavior, yet some...
