Masayang ipinasok ni Cameron ang kanyang kotse sa kanilang garahe. Hinatid niya ang dalaga at mabilis naring umuwi. Napatingin si Atticus rito ng makapasok sa kanilang sala.
"Mabuti nama'y umuwi ka na. Akala ko'y magtatagal ka pa don."
"Kung pwede lang, baka hindi na ako umuwi rito." nakangising sagot ni Cameron.
Itinapon niya ang sariling bag sa kung saan at nagtatakbo papunta sa kanyang kapatid. Kinuha niya ang unan saka iyon inilagay sa kandungan ng kapatid. Inihiga niya doon ang kanyang ulo at halos umabot na sa kanyang tenga ang kanyang ngiti.
"Your Ate Xavia will come home tomorrow. Invite Quincy to have dinner here." anas niya habang hinahagod ang buhok ni Cameron.
"Are you sure? Ayaw mong nagdadala ako ng babae rito hindi ba?"
"Tsk. Hindi naman siya basta babae sayo Dekdek. Mahal mo diba?"
"Mahal na mahal." bungisngis na sagot ni Cameron kay Atticus.
Ngumiti naman ang binata bago yakapin ang kanyang bewang. Umayos naman siya ng pagkakahiga para hindi na ito mahirapang yakapin siya.
"May tanong ako."
"Hmm?"
"Pwede ba siyang matulog dito? Wag kang mag-aalala, hindi kami magtatabi. Don siya sa guest room."
Unti-unting nanliit ang mata ni Atticus at sinimulang pag-aralan ang kapatid kung nagsasabi ba ito ng katotohanan. Halos lumabas na ang lahat ng ngipin ng binata sa sobrang ngiti nito sa kanya.
"I don't believe what you're saying Dekdek. Kilala kita." nakangising sagot niya.
"Tsk. May respeto ako kay Quincy, iba siya sa lahat ng babaeng nakama ko. Hindi ko hahayaang mabastos ko siya." may pagka-sinseridad aniya dahilan para matigilan si Atticus.
Hindi niya aasahan na mababago ng dalaga ang paraan ng pag-iisip ng kanyang kapatid pagdating sa bahay na iyon.
"Is that you Dekdek?" hindi makapaniwalang tanong ni Atticus habang tumatawa.
"Ofcourse." taas-noong wika nito.
"Ask her if she likes it. If she answered yes, go for it. I will not forbid you to do what you want. Besides, your Ate Xavia is there, she won't leave Quincy."
"Talaga?" mas dumoble pa ang saya ni Cameron dahil sa sagot ni Atticus.
"Yeah."
"Best brother ka talaga."
"Tsk. Best brother na kaya mong kalimutan? Tigilan mo ako Cameron Declan Nile."
Sumama ang tingin ni Cameron ngunit isang nang-aasar na ngisi ang sinagot ni Atticus sa kanya.
"Nandiyan ka na pala."
Tumingin si Cameron sa kanyang gilid at nakita niya si Javion. Kakatapos lamang nitong magluto at pwe-pwede na silang kumain ng hapunan.
"Kanina pa. Anong niluto mo?"
"Kare-kare, sinigang and chicken abodo." sagot nito.
"Let's eat. Gusto ko ng magpahinga. Susundin ko pa bukas ang Ate Xavia mo."
Tumayo si Atticus at mabilis niyang nilahad ang kamay sa harapan ng kapatid. Ngiting-ngiti naman ang binata na kinuha iyon at sabay silang nagtungo ng dining area.
Nakatingin si Quincy sa harapan ng kanyang apartment. Hinihintay niya na lamang na dumating si Cameron. Hindi mawala ang kanyang ngiti habang pinagmamasdan ang mga ibon na nagliliparan sa kable ng kuryente, dumagdag pa ang hampas ng sariwang hangin sa kanyang katawan.
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
Ficção GeralDifferent person but the same affection Opposite identity but the same affinity A kind of person with a different lifestyle and beliefs in life and a woman who has a peaceful world. Cameron is his name, the most annoying man in the entire universe...