"Mananalangin na ba ako para sa kaluluwa mo?" nang-aasar na tanong ni Javion sa pinsang si Cameron.
Nandodoon sila sa opisina ng Mr. Superior at hinihintay na lamang itong dumating. Tahimik lamang habang nakatingin si Cameron sa pintuan, hinihintay niyang bumukas iyon at pumasok ang taong hahatulan siya.
Napatingin ang dalawa ng bumukas ang pintuan at pumasok ang sampung lalaking naka-itim habang nasa likuran nito ang kanilang Mr. Superior. Mabilis na tumayo sina Cameron saka tumungo bilang paggalang rito.
"You have ten seconds to explain yourself." ma-awtoridad na anas nito dahilan para mapanganga si Cameron.
"Rap battle begins."
"I didn't want that and I'm not sure if it's really my son. Maniwala ka man o hindi--."
"Times up." itinaas nito ang isang kamay at tumingin muli ng masama sa binata.
"Five seconds lang yun ah." mahinang bulong ni Javion habang nakatingin sa kanyang relo.
"Alam kung yan lang din ang lalabas sa bibig mo. Ano pa nga bang aasahan ko sa'yo? Tsk. Ang usapan natin ay mag-aaral ka, nag-aaral ka nga may anak ka naman!" inis na bulyaw nito pero nanatiling tahimik sina Cameron. "What do you think you're doing huh? Cameron, ni maghugas ng plato ay inaasa mo pa kay Javion. Paano pa ang magpalit ng lampin, magpadede at mag-alaga sa anak mo? Baka kapag nabwesit ka sa iyak no'n ay itapon mo nalang bigla."
"Sinira mo pa ang pangalan natin. Kalat na kalat na sa buong mundo ang tungkol sa batang yun. What are you going to do now?" tanong pa nito bago magsimulang maglakad papalapit sa table niya kung nasaan ang dalawang binata.
"Are you done?" tanong ni Cameron na kinakunot naman ng noo nito.
"What did you s---."
Hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng bigla yumakap sa kanya si Cameron at parang batang umiiyak kahit wala namang luhang lumalabas.
"Kuya! Hindi ko nga sinasadya!"
"Ano ba Cameron?!" bwesit na bwesit na inilayo ni Atticus ang kapatid sa pagkakayakap sa kanya.
"Pagalitan mo nga yan. Masyadong malandi." pagbabatos pa ni Javion habang nakatingin sa magkapatid.
"Kuya! Ano na ngang gagawin ko kung anak ko talaga ang batang yun?" parang batang nagmamaktol na tanong ni Cameron habang pinipilit na yakapin ang kapatid.
"Ano ba dapat gawin Cameron? Katarantaduhan mo! Pakasalan mo."
"Ano?! Ayoko nga! Papayag ka bang magdusa habang-buhay ang bunso mo'ng kapatid? Maawa ka naman sakin!" nagdadabog pang sagot nito bago maupo sa sofa na nasa tapat ni Atticus.
"Dapat pa ba kitang kaawaan dahil sa bullshit-an na ginawa mo? Bakit hindi mo panindigan ang mag-ina mo? Wag mo na akong bigyan pa ng panibagong sakit sa ulo, Dekdek!" kinuha nito ang folder na nakapatong sa sariling table at mabilis na binilo para ipukpok sa ulo nito.
"Sadistang kapatid!"
"Magbihis ka na at pupunta tayo sa pamamahay ng mga Cariño."
"Ngayong gabi? Bakit hindi nalang ipagpabukas total sabado naman?" angal nito bago isiniksik ang ulo sa tiyan ni ni Atticus.
"Aasikasuhin ko pa ang kalat mo. Bilisan mo na bago pa uminit ang ulo ko, Cameron!"
Kabilang mukha ni Cameron at Eliana ang nakikita ni Quincy. Ayaw na niyang makita ang mga iyon kaya pinatay na lamang niya ang kanyang cellphone.
Maaga siyang matutulog dahil pupunta siya sa kanyang pagtra-trabauhan.
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
General FictionDifferent person but the same affection Opposite identity but the same affinity A kind of person with a different lifestyle and beliefs in life and a woman who has a peaceful world. Cameron is his name, the most annoying man in the entire universe...