"Baby." malungkot na bungad ni Cameron ng masagot ni Quincy ang kanyang tawag.
"Ano namang nangyari sayo at parang guhong-guho ang mundo mo?" natatawang tanong ng dalaga.
Nagluluto siya ng kanyang hapunan, kakatapos niya lang din maligo at maglaba ng uniporme.
"Miss na kita."
"Ilang oras palang ang nakakalipas magmula ng maghiwalay tayo Cameron. Umayos ka nga." natatawang sagot ng dalaga at mabilis na pinatay ang apoy.
"Puntahan kaya kita?"
"Ano ba? May bukas pa Cameron. Magkikita pa tayo."
"Dito ka nalang kaya matulog sa bahay?" nakangusong ani Cameron at nagpapadyak pa.
"Hindi pwede. Tumigil ka. Labing dalawang taon kang nabuhay na hindi ako kasama kaya wag mo akong artehan."
Mas humaba pa ang nguso ni Cameron sa sinabi ng dalaga. Nagdadabog siyang tumihaya saka kinuha ang kanyang unan na nasa kanyang uluhan.
"Wala naman akong gagawin sayo. Tutulog lang tayo." pagpupumilit pa nito at tanging tawa na lamang ni Quincy ang nakuha niyang sagot.
"Kumain ka na ba?"
"Kanina pa."
"Bakit hindi ka pa matulog? Anong oras na."
"I want us to sleep together."
Kulang na lamang ay umiyak na si Cameron sa kanyang kwarto habang kausap ang dalaga. Nag pa-puppy eyes pa ito habang patuloy parin ang kanyang pag-nguso.
"Kakatapos ko palang pagluto at kakain na ako kapag tapos na tayong mag-usap."
"Eh di kumain ka habang nag-uusap tayo."
"Sige."
Mabilis na ibinaba ni Quincy ang kanyang cellphone sa lamesa. Dali-dali siyang nagtatakabo sa kanyang kusina para kunin ang kanyang pagkain. Naririnig ni Cameron ang tunog ng plato sa hindi kalayuan, hinayaan niya na lamang iyon at dahan-dahang ipinikit ang mga mata.
"Nandidito na ako."
Pinindot ni Quincy ang loud speaker button para marinig niya ang binata. Nagsimula siyang magsandok ng kanin at maglagay ng ulam sa sariling plato.
"Just eat Baby. Magsabi ka lang kung tapos ka na." inaantok ng bulong ni Cameron.
Nagsimula ng magpapikit-pikit ang kanyang mata ngunit pinipigilan niya iyon para lang makausap ang dalaga.
"Inaantok ka na Cameron, matulog ka na. Magkikita naman tayo bukas eh."
"I am not yet sleepy." pagsisinungaling ni Cameron sa dalaga.
"Sigurado ka ba? Pwede ka namang matulog kung hindi mo na kaya."
"Just eat Quincy." pahabol pa nito bago tumahimik.
Bumuntong-hininga na lamang si Quincy dahil alam niyang wala siyang magagawa rito. Nagsimulang kumain ang dalaga ng walang naririnig na kahit anong ingay mula sa kabilang linya. Unti-unting siyang nakaramdam ng pagkailang pero pinilit niyang maging normal. Nakapikit lamang si Cameron at pinipigilan parin ang kanyang antok, unti-unti na lamang ay bibigay niya pero pilit niya paring nilalabanan.
Gustong-gusto niyang makausap ang dalaga.
"Cameron? Nandiyan na pa ba?"
"Hmm. Are you done?" pahina ng pahina ang boses na tanong ni Cameron.
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
Ficção GeralCameron. The most infuriating man in existence. A whirlwind of charm and chaos, capable of both devastating cruelty and irresistible allure. He could twist any woman around his finger, a master manipulator cloaked in ungentlemanly behavior, yet some...
