31: INTRAMURALS

422 25 4
                                    

Tumigil ang kotse ng magkakaibigan sa parking lot ng kanilang eskwelahan. Punong-puno na iyon dahil narin sa dami ng istudyante.

Naunang lumabas si Cameron para tulungan si Quincy. Mabilis nitong niyapos ang kanyang bewang at hinintay ang mga kaibigan.

"Nasan sina Kuya Atticus at Ate Xavia?" tanong ni Dranreb ng makalabas ng sariling kotse.

"Kanina pa sila nandidito sa school." sagot ni Cameron.

Tiningnan ni Quincy ang paligid para hanapin ang kanyang kaibigan. Kanina pa ito nag message sa kanya na nandoon na ang dalaga.

Nagsimula na naman ang bulungan ng makita sila ng iba't-ibang istudyante. Sino ba namang hindi makakapansin sa kanilang dalawa, suot-suot lang naman ni Quincy ang jersey ni Cameron. Ayaw niya iyong isuot ngunit mapilit lamang talaga ang binata kaya wala na siyang nagawa kundi sumunod dito.

"Are you okay baby?" nakangiting tanong ni Cameron habang pinagmamasdan ang itsura ng kanyang girlfriend.

"Hmm. Hinahanap ko si Princess, ang sabi niya kanina ay nandidito na siya." sagot ni Quincy habang iniikot ang paningin sa kanilang nadadaanan.

"Baka nasa court na."

Hindi na nagsalita pa ang dalaga at nagpatuloy nalang sila sa paglalakad. Panay ang tawag ng ibang istudyante kina Cameron ngunit hindi nila ito magagawang pansinin.

Nang makapasok ang mga ito sa court, isang malakas na ingay agad ang bumungad sa kanila.

"Coach." tawag ni Javion ng makita ang kanilang Coach sa hindi kalayuan.

"Mabuti naman ay nandidito na kayo. Sa baba ang pwesto ng lahat ng player! Wag na kayong umakyat diyan dahil paguguluhin niyo lang! Nakita ko na ang schedule niyo at kayo ang unang maglalakro kalaban ang San Mariano University!"

"Ayos ah first day first game." nakangiwing wika ni Race.

"Sige na, ako nalang ang tataas. Nandidito lang naman ako." nakangiting ani Quincy at mabilis na niyakap si Cameron.

"Are you sure? Pwede ka naman sa upo namin."

"Hindi na Cameron. Sige na, nakaharang tayo sa daan."

"Give me a kiss baby."

Bahagyang nanlaki ang mata ng dalaga ng mabilis na hinalikan ni Cameron ang kanyang labi sa harapan ng sangkatutak na istudyante. Nagulat rin ang mga ito dahil sa ginawa ng mga bata.

"Girlfriend ni Cameron?"

"Siguro. Hinalikan niya eh."

"Hayst. Wala na tayong pag-asa kay Cameron."

"Gosh! Cameron's new doll."

"Hindi ba nabalita na may anak na siya tapos ngayon may babaeng lumalandi sa kanya."

"True kawawa naman ang babaeng nabuntis ni Cameron."

Hindi na iyon pinansin pa ng dalawa. Senenyasan ni Cameron na umakyat ang dalaga na mabilis naman nitong sinunod. Muli niyang inikot ang kanyang paningin sa buong lugar hanggang makita ang kaibigan na kumakaway sa kanya sa hindi kalayuan. Dali-dali silang lumakad at umupo sa tabi nito.

"Naks naman. Suot-suot ang jersey ni fafa Cameron." panunukso ni Princess sa kanya.

"Kanina pa kita hinahanap."

"Sorry kung hindi ko na nasabi na dito nalang kita hihintayin, pinapasok na kasi nina Sir Atticus ang lahat ng istudyante." paliwanag nito at tumango-tango na lamang siya.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now