•CHAPTER SIXTEEN•

451 42 25
                                    

Quincy stared at herself in front of the mirror. She looks at her own face and wonders what else is missing just to make her look presentable. Simple lamang ang kanyang itsura, nakasuot ng white off shoulder at black skinny jeans habang white heels naman sa kanyang pang paa. Nakabuhaghag rin ang kanyang buhok at naglagay lamang siya ng kunting make-up para hindi siya magmukhang maputla.

It's friday night, she had to go to dinner with them.

Quincy just sighed before grabbing her shoulder bag that was on her desk. Maghihintay pa siya ng taxi papunta sa lugar kung nasaan ang mga ito. Masyado pa namang maaga kaya hindi niya kailangan magmadali. Lumabas na siya ng kanyang room at ni-lock ang pintuan.

"Mukhang may lakad ka."

"Opo Mang Toto."

"Ingat sa biyahe. Gabi na at marami ng nagkalat na masasamang loob sa tabi-tabi."

Quincy smiled before nodding to Mang Toto.

Nagpaalam na siya rito at nagtatakbo na palabas ng apartment. Unti-unti siyang natigilan ng makita ang isang lalaking nakasandal sa motor nito habang magka-krus ang braso't paa. When Cameron noticed Quincy, he slowly looked at what she was wearing before stopping at her face again.

"A-nong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ni Quincy ng makalapit siya sa binata.

Bumaba ang kanyang tingin sa suot-suot ni Cameron. Gaya niya, simple lang din ang suot nito. Naka black cup, white t-shirt, black jacket, black pants at white sneakers.

"Sinusundo ka."

"Bakit? Kaya ko namang pumunta don ng mag-isa."

"Tsk. Napag-utusan lang ako. Let's go. Tayo nalang ang hinihintay nila." aniya.

Mabilis itong sumakay sa kanyang motor at muling tumingin sa dalaga.

"Hindi mo na kailangan mag helmet, safe ka na sakin." nakangising dagdag pa nito at senenyasan siyang sumakay sa kanyang likuran.

Bumuntong-hininga si Quincy at maingat na umupo sa motor ni Cameron. Masyadong mataas iyon kaya kailangan niyang humawak sa balikat ng binata para makasakay siya.

"Can we leave now?"

Quincy nodded and held on behind her. Cameron saw that so he smiled at Quincy. Using his both hands, he took Quincy's hand and gently wrapped it around his waist.

"Dito ka humawak wag diyan dahil baka kung saan ka pulutin kapag umardar na tayo." nakangising bulong ni Cameron.

Sumama naman ang tingin sa kanya ng dalaga at bahagya niluwagan ang pagkakayakap niya sa bewang nito.

Hindi na sila nagtagal doon. Mabilis na pinaandar ni Cameron ang kanyang motor dahilan para humigpit ang pagkakayakap ni Quincy sa kanyang baywang.

"Cameron! Mag dahan-dahan ka naman! Paano kapag nahulog ako rito?!" inis na inis na sigaw ng dalaga.

"Eh di sasaluhin kita."

Quincy rolled her eyes before looking at the road they were on. She could feel the cold so she hugged Cameron tightly. Cameron simply smiled when he felt her tight hug.

Bilisan na lamang niya ang pagpapatakbo ng motor para makarating na sila sa restaurant kung nasaan naghihintay sa kanila ang kanyang kapatid. Cameron's motor stopped in the parking lot of the restaurant. Tinulungan niya si Quincy na bumaba bago siya sumunod.

He put his helmet in his compartment then looked at Quincy. Magulo ang buhok nito dahil bahagya itong nililipad ng hangin. He slowly moved closer to her and placed the hair behind her ear. Natigilan naman doon si Quincy at hindi makapaniwalang tiningnan si Cameron.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now