CHAPTER EIGHTY

190 9 0
                                    

The car that Vincent was riding in stopped in front of the abandoned house. He got out of there and walked inside.

"Mr. Roa, I'm here." bahagyang sigaw niya ngunit wala itong nakuhang sagot.

Mabilis siyang lumakad sa kwarto kung saan nakakulong si Calvin. Bahagya siyang nagtaka nang makitang nakabukas iyon.

"Mr. Roa." muling tawag niya ngunit wala paring sumasagot.

Tumakbo na siya patungo doon at natigilan siya ng tuluyang makapasok sa kwarto.

"Mr. Roa!" gulat na sigaw niya at mabilis na naupo sa tabi nito.

"Wake up, Mr. Roa!"

Kinuha nito ang ulo ng matanda at pinatong sa kanyang hita. Tiningnan niya ang pulso nito ngunit hindi na iyon tumitibok. Patuloy parin ang pag-agos ng dugo mula sa dibdib nito.

"Please, you can't die!" unti-unti ng namasa ang mata nito habang pinipilit paring gisingin ang Wala nang Buhay na matanda.

"Mr. Roa!" muling pagtawag niya ngunit hindi na ito nag re-response.

Tiningnan niya ang paligid at doon niya nakita ang sirang bangko at Wala narin doon ang binata. Nakita niya rin ang baril sa tabi nito.

Tumunog ang cellphone ng matanda dahilan para bumukas ang screen noon. Mabilis na tumayo si Vincent para Kunin at sagutin ang tawag ni Laurier.

"Roa! What happened? Are you okay? What did I hear gunshots?" bungad agad ng matanda.

"Sr. Laurier." umiiyak na tugon ni Vincent rito.

"Vincent? Where's Roa?"

"H-e's dead."

"What?!"

Unti-unting bumukas ang mata ni Quincy at kaagad niyang nakita si Nathaniel na mahigpit na nakayakap sa kanya. Napangiti ang dalaga habang hinagod-hagod ang buhok nito. Umangat ang kanyang ulo para tingnan si Cameron ngunit wala siyang nakakita katawan doon.

Gumalaw si Nathaniel hanggang sa bumukas narin ang mata nito. Isang matamis na ngiti agad ang binungad nito sa dalaga.

"Good morning Mommy Quincy."

"Good morning Nathaniel."

Muling ngumiti ang bata saka lumingon sa kanyang likuran.

"Nasan po si Daddy Cameron?" tanong nito ng hindi makita ang binata.

"Baka nasa baba na. Halika na, magluluto ng alamusal si Mommy Quincy." pagyaya niya matapos makababa ng kama.

Nilahad ng dalaga ang kanyang kamay at kaagad iyong kinuha ni Nathaniel. Magkahawak ang kamay ng dalawa na pumunta sa kusina.

"Good morning anak. Good morning apo." nakangiting bati ni Efren sa mga ito.

"Good morning Lolo Efren."

"Nasaan si Cameron, Pa?" tanong naman ni Quincy.

"Wala ba sa kwarto niyo? Hindi ko naman siya nakita pagbaba ko rito." tugon ng ama bago siya abutan ng plato.

Nagtataka man, ngumiti na lamang siya at inaasikaso si Nathaniel sa pagkain. Pilitin mang mag-almusal ng normal ng dalaga hindi niya maiwasang isipin si Cameron.

"Saan ka pupunta anak?" tanong ni Efren ng biglang tumayo ang dalaga.

"Tatawagan ko lang po si Cameron."

Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng ama at kaagad na nagtatakbo patungo sa kwarto para Kunin ang kanyang cellphone.

Mabilis niyang hinanap ang number ni Cameron saka iyon tinawagan.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now