•CHAPTER FIVE•

552 42 3
                                    

Umugong sa buong Manila ang balita tungkol sa pagpanaw ni Yamamoto. Buong Fumizuki University ay nagdadalamhati sa pagkawala nito.

Hindi maiwasang ngumiti ng dalawa habang nakatingin sa news paper na kanilang nababasa. Nakarating na ang balitang iyon sa Mr. Superior at hindi nito maiwasang humanga sa binata dahil sa matagumpay na nitong plano.

"Pupunta tayo sa burol?" tanong ni JP habang kinakain ang pancake na nasa sarili plato.

"Yeah before we go to school." nakangiting sagot sa kanya ni Cameron.

Tumango na lamang ito at mabilis naring tinapos ang kanyang almusal. Sabay na bumaba ang dalawa sa garahe, napagdesisyunan ni Cameron na sumabay nalang sa pinsan dahil sa katamaran sa pagmamaneho.

Pagdating nila sa parking lot ng nasabing eskwelahan, sabay na lumabas ang dalawa bago tiningnan ang kanilang harapan. Dito napagdesisyunang ni Akako dalhin ang abo ng kanyang ama para narin makita ng mga istudyante. Maraming nagkalat na istudyante sa buong campus kaya nahihirapan silang pumasok.

"Sir, hindi po kayo pwedeng pumasok. Wala po kayong ID." pigil ng guwardiya sa kanila ng akma silang papasok doon.

"Kaibigan ako ni Akako." ani Javion rito. "Kung hindi ka naniniwala, tawagan mo at sabihin mong tanggalan ka na ng trabaho." dagdag pa nito at nginisian na lamang siya ni Cameron.

Mabilis nitong kinuha ang radio at may kinausap doon.

Nanatili namang tahimik ang dalawa habang nagmamasid sa nakapaligid sa kanya. Dahil marami ang nagkalat sa istudyante, bahagyang umiingay dahil marami ring nakakakilala sa mga ito.

"Pasensya na kayo Sir. Pwede na po kayong pumasok. Nasa court si Miss Akako."

Tinanguan na lamang ng dalawa at guwardiya bago naglakad papasok. Wala silang pinansin na kahit sinong babaeng tumatawag sa kanila dahil wala naman silang pakialaman sa mga ito.

"Lungkot-lungkutan ba tayo?" nakangising tanong ni Javion pero nanatiling tahimik si Cameron.

Nang makarating sila sa court, dahan-dahan napatingin ang dalaga pati narin ang mga istudyanteng nandodoon sa kanila. Naunang maglakad si Cameron na mabilis namang sinundan ni Javion.

"Akako." malungkot kunwaring tinawag ni JP ang dalaga bago tiningnan ang malaking litrato ng ama nito.

"Gokazoku e no aitō no i." mahinang anas ng dalawa sa dalaga.

Trans: Condolences to the family.

"Akala ko'y hindi kayo dadating. Maraming salamat sa pagpunta." humikbing pasasalamat nito sa kanila.

"Don't cry, baka kung anong namang mangyari sa'yo." saway ni Javion at mabilis na pinunasan ang mata nito.

Hinawakan ni JP ang likuran nito para hagurin habang ang paningin naman ay nasa kanilang harapan. Nanatiling tahimik at walang kibo si Cameron. Gustong niyang humalakhak sa harapan ng mga ito para ipakita kung gaano siya kasaya sa pagpanaw nito.

"Anata no okāsan to kyōdai wa doko ni imasu ka?" biglang tanong ni Cameron kaya dahan-dahan siyang nilingon ni Akako.

Trans: Where are your mom and siblings?

"Uuwi kami sa Japan sa isang araw. Binigyan ko lamang ng pagkakataon na makita ng schoolmate ko si Dad bago ko ito dalhin sa sarili naming lugar." malungkot na sagot ng dalaga. "Naze karera ga watashinochichi o korosanakereba naranakatta no ka rikai dekimasen. Watashinochichi wa nani mo warui koto o shinakatta." galit na dagdag pa nito.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now