"Wow!" namamanghang wika ni Princess ng marating na nila ang isla ng Alabat.
Makukulay na paligid ang bumungad kina Cameron. Nagkalat ang mga bata sa paligid at masayang naglalaro. Unti-unting dumaong ang barka at dahan-dahang bumaba ang hagdanan.
"Let's go." pagyaya na ni Cameron at nauna ng bumaba.
Sumunod na naman sina Quincy sa binata. Hinubad ng mga ito ang suot-suot na lifevest at inilapag sa lamesa.
"Welcome to Alabat Quezon!" masayang bungad ng isang matandang lalaki sa mga toristang lumabas sa barko.
Mabilis namang nagsipasukan ang magkakaibigan sa sari-sariling kotse at nauna ng lumabas ang kotse ni Cameron. Mula sa Alabat port, kitang-kita na ang hotel and resort kung saan sila mags-stay ng tatlong araw. Excited na excited na ang mga ito na ikutin ang napakagandang lugar.
"Sobrang ganda rito Cameron." masayang ani Quincy habang pinagmamasdan ang magandang paligid.
"Yeah Baby. Sinasabi ko naman sa'yong magugustuhan mo ang lugar na to." nakangiti ring sagot ng binata.
Dahil malapit lamang naman ang resort na iyon, nakarating agad sila ng wala pa ng sampung minuto. Bumungad agad sa kanila ang bell boy na kukuha ng kanilang gamit.
"Do we have a room?" tanong ni Javion sa kanya.
"Yeah. Everything is okay. Let's just sleep here."
"Halatang-halata planadong-planado na ang lahat Insan. Iba ka." tinapik-tapik pa ng binata ang balikat nito bago sumunod sa may dala ng gamit niya.
Dahil hapon na, ramdam na ramdam ng mga ito ang pagod dahil sa mahabang biyahe. Pumasok ang mga ito sa sari-sariling kwarto nila na magkakadikit lang naman.
"Bestie, mag-ikot-ikot tayo mamayang gabi pero for now, magpahinga muna tayo." ani Princess.
"Hmm sige."
"See you later." humalik pa ito sa kanyang pisngi bago pumasok sa kwarto na katabi lamang ng kwarto nila ni Cameron.
Pumasok naman sina Calvin at Kyle sa katapat na kwarto ng dalawa habang magkasama naman sina Javion, Dranreb sa iisang kwarto. Sina Brix at Race naman ang magkasama Jethro, Matthew at Dwight ang magkakasama.
Ibinagsak ni Cameron ang sariling katawan sa malambot na kama, pinagmasdan niya ang bawat galaw ni Cameron. Gustong-gusto niyang matulog dahil pagod na pagod siya sa kanilang biyahe.
"Let's sleep for a second Baby." mapupungay na wika sambit ng binata.
Tumango-tango ang dalaga, inayos lamang niya ang kanilang gamit saka siya sumampa sa kama. Humiga sa tabi ni Cameron saka hinagod-hagod ang buhok ng kasintahan.
"Matulog ka na Cameron, alam ko namang pagod na pagod ka sa biyahe." mahinang saad ng dalaga habang patuloy sa paghagod sa buhok ng binata.
"Yeah I love you Baby."
"I love you too."
Dahil antok ang lahat, mabilis na nakatulog ang mga ito hanggang sa dumating ang kinagabihan.
"Saan mo gustong kumain Baby?" tanong ni Cameron.
"Hanap nalang tayo mamaya, mukhang maraming pwedeng kainan dito." sagot ng dalaga.
Kinuha nito ang kanyang damit na susuotin. Simpleng maong short at t-shirt. Malamig at gabi na para magsuot pa ng two piece.
"Will you take a shower?"
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
General FictionCameron. The most infuriating man in existence. A whirlwind of charm and chaos, capable of both devastating cruelty and irresistible allure. He could twist any woman around his finger, a master manipulator cloaked in ungentlemanly behavior, yet some...
