FINALE

234 8 0
                                    

"Mr. Superior!"

Tumahimik ang malakas na tugtog pati narin sina Atticus ng marinig ang malakas na sigaw ni Alfred. Nagtatakbo ito papasok sa mansion habang dala-dala ang piraso ng papel.

"What's wrong?" nagtatakang tanong ni Atticus rito.

"They were not in the mansion and I saw this letter."

"What?" tanong naman ni Cameron at mabilis na kinuha ang papel na iyon.

"This is the time to pay for your sins in our society." pagbabasa niya bago italikod yun at mabasa ang isang address.

"Anong nangyayari Cameron?" tanong sa kanya ni Javion.

Hindi sumagot ang binata at mabilis na kinuha ang kanyang susi at nagtungo sa drawer para kumuha ng baril. Akmang lalakad papalayo ang binata ngunit kaagad na nahawakan ni Atticus ang t-shirt niyo.

"What are you planning to do?"

"Pupuntahan ko si Quincy, Kuya. Baka kung anong mangyari sa kanya." nag-aalalang sagot nito at akmang lalakad muli ngunit muli siyang pinigilan ng kapatid.

"You will not go there without thinking about what to do because you will only be damned." seryosong anas ni Atticus.

"Wala akong pakialam, Kuya! Bitawan moko, nanganganib ang buhay ng girlfriend ko!"

"My wife is also in danger! What do you think will happen if you just go there without thinking? Do you think you can save them?"

Unti-unting tumulo ang luha sa mata ni Cameron, hinawakan niya ang kamay ng kapatid at marahas iyong tinanggal sa pagkakahawak sa kanyang damit.

"If you can't save your wife and other people, I will."

"Cameron."

Tumalikod ang binata at nakita niyang humarang sina Javion sa kanyang dadaanan.

"We will come." ani Javion. "I know you are worried about your girlfriend's situation but we will not let your life be in danger either. We will go there after we make a plan." dagdag pa nito at mabilis na lumapit sa drawer para kumuha rin ng baril.

"Anong nangyari, Cameron? Anong nangyayari? Nasa kapahamak pa sina Quincy?" nag-aalalang tanong ni Efren ngunit walang sumagot sa kanya.

"Daddy Cameron." bumaba ang tingin ni Cameron kay Nathaniel na mahigpit na nakayakap sa kanyang hita.

"Nasa danger po ba si Mommy Quincy?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.

Mabilis na umupo si Cameron at pinagmasdan ang mukha ng anak.

"Okay lang si Mommy Quincy, pupuntahan siya ni Daddy para iligtas okay? Walang mangyayaring masama sa kanya."

"Talaga po?" naluluhang tanong bata at kaagad siyang tumango.

Namuo ang takot sa buong mansion dahil sa nangyayari. Hindi narin makapagsalita pa ang iba dahil hindi rin nila ang dapat gawin.

Dahan-dahang bumukas ang mata ni Quincy. Mabilis niyang iniikot ang paningin at napagtanto niyang nasa barko sila. Napatingin ang dalaga sa tabi nito at nandodoon rin sina Xavia na may tape ang bibig habang nakagapos ang mga kamay at paa. Nagsimulang mataranta ang dalaga at nagsisimula magsisigaw kahit na may takip ang bibig niya, hindi niya alam kung anong gagawin. Pinipilit niyang gisingin sina Princess ngunit hindi ito nagigising.

Bumukas ang pintuan at muli siyang natigilan sa kung sino ang kanyang nakita. Nakakaloko itong nakatingin sa kanya habang humakba papalapit sa kinaroroonan niya. Umupo ito sa harapan ni Quincy at dahan-dahang tinanggal ang tape sa bibig ng dalaga.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now