"Bestie! Ano tapos ka na ba?" sigaw ni Princess sa labas ng banyo.
Tiningnan ni Quincy ang sarili sa salamin. Parang gusto niyang umurong bigla ng makita ang sarili. Hindi niya malaman kung siya pa ang taong iyon. Tamang-tama lang naman sa kanya ang suot niya, kumportable rin siya pero nahihiya siyang may ibang makakita ng ganitong suot niya.
Nakabuhaghag ang kanyang buhok, nilagyan narin siya ni Princess ng kaunting make-up, pinahirapan narin siya ng mga accessories nito gaya ng kwintas, hikaw at relo. Binigyan rin siya ng bagong heels para bumagay iyon sa kanyang suot-suot.
Bumuntong-hininga na lamang siya at dahan-dahang binuksan ang pintuan. Hindi makapaniwalang tiningnan ni Princess ang kaibigan, nagulat siya sa ganda nito.
"OMG! Ang ganda mo. Para akong may kasamang model." masayang bungad ni Princess at niyakap pa ang kaibigan.
Tiningnan niya ang suot ni Princess, mas maikli at mas simple ang suot nito kumpara sa kanya pero bagay na bagay iyon sa dalaga. Nakapusod ang buhok nito at halos kuminang ang dalaga dahil sa mga suot-suot na alahas.
"Magpalit na kaya ako?"
"Ano ka ba naman? Ok na yan. Matutuwa sina Calvin kapag nakita ka niya. Ang ganda mo talaga."
Gusto niyang maniwala sa sinasabi ng kaibigan pero nauunahan siya ng hiya. Alam niyang maraming tao ang nandodoon at maraming makakakilala sa kanya.
"Let's go na." yaya nito at mabilis na kinuha ang paper kung nasaan ang regalo nila sa kambal.
Muling tiningnan ni Quincy ang salamin bago tumango sa kaibigan. Sabay silang lumabas ng kwarto ng dalaga at naghihintay narin ang maghahatid sa kanila. Pinagbuksan nito ang dalawa ng pintuan saka sumunod sa mga ito. Umalis narin ang kotse sa bahay na iyon dahilan para mas madagdagan ang kabang nararamdaman ni Quincy.
"Hoy! Ok ka lang ba? Mukhang hindi ka mapakali diyan." tawang-tawa tiningnan ni Princess ang kaibigan.
"Nahihiya nga ako Princess."
"Sa ganda mong yan mahihiya ka? Dapat nga mas tumaas ang self confidence mo. Mas mukha ka pang flight attendant kesa sakin."
"Hayst. Umuwi nalang kaya ako?"
"Gusto mo bang magalit sayo sina Calvin? Alam mo namang inaasahan ka ng dalawang yun. Wag mo na kasing isipin ang magiging tingin sayo ng taong mga nandon. Wala namang care ang iba don dahil busy sa mismong party."
Bumuntong-hininga na lamang muli si Quincy at muling tumango sa kaibigan. Pinilit niyang inalis ang kabang nararamdaman habang kinakalma ang sarili.
"Won't you come with us to Calvin and Kyle's party?" tanong ni Cameron sa kapatid.
Nandodoon sila ni Javion sa opisina ni Atticus para magpaalam.
Tanging white polo, black pants at white rubber shoes lamang ang suot ng dalawa. Hindi nila kailangan magsuot ng suit doon dahil hindi naman formal party ang kanilang pupuntahan.
"No, just enjoy. Please tell the two of them a happy birthday." seryosong sagot nito habang ang tingin ay nasa sariling laptop.
"Alright. We're going now kuya."
Sabay na lumapit ang dalawa rito at humalik sa pisngi ng binata. Gumanti naman ito at hinalikan ang kanilang noo.
"Take care Cameron, Javion."
"We will." sagot ng dalawa at mabilis ng lumabas ng opisina.
Nagtatakbo ang mga ito papunta sa garahe at sumakay sa magagarang kotse. Nauna ng lumabas ang kotse ni Cameron at sumunod naman si Javion. Tahimik lamang sila habang tinatahak ang daan papunta sa mansion ng mga Fernandez.
![](https://img.wattpad.com/cover/278886914-288-k839953.jpg)
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
Fiksi UmumDifferent person but the same affection Opposite identity but the same affinity A kind of person with a different lifestyle and beliefs in life and a woman who has a peaceful world. Cameron is his name, the most annoying man in the entire universe...