CHAPTER FORTY TWO

293 16 4
                                    

Paglabas na paglabas pa lamang nina Cameron at Quincy sa kotse ay mabilis na humarang ang mukha ng kaibigan niyang si Princess.

"Totoo ba ang news tungkol kay Eliana?" gulat na gulat na tanong niya.

"Ang aga-aga Princess." nakangising sagot sa kanya ng kaibigan.

"How's the baby?"

"Ang cute niya."

"Ahhhhh hindi siguro nagmana kay Eliana."

Bumuntong-hininga na lamang si Cameron at tiningnan ang mga kaibigan nakatambay sa waiting shed.

"Good morning Harley Quinn." parang batang binati ni Kyle ang dalaga ng makarating ito sa tayo nila.

Nang magtama naman ang tingin nilang dalawa ni Princess, unti-unting sumama ang paraan ng tingin nila sa isa't-isa.

"Good morning." masayang bati ng dalaga sa mga ito.

"Let's go." seryosong pagyaya ni Cameron sa mga kaibigan.

Nauna ng tumayo si Javion at sinundan naman ito nina Dranreb. Tumabi naman si Calvin kay Quincy saka tiningnan ang mga kaibigan.

"See you later Baby. I love you." malambing na bulong ni Cameron at hinalikan pa ang noo nito.

"I love you too. Aral mabuti."

"Hmm para sa future nating dalawa." kumindat pa ang binata bago siya tinalikuran.

"Kita-kits nalang mamaya Bestie." mabilis na lumapit si Princess sa kaibigan para halikan ang pisngi nito.

"Sige."

"Bye Cal."

"Bye."

Tumapat ang dalaga sa kakambal nito at muling sinamaan ng tingin at mabilis na tinalikuran.

"Ang pangit mo." mahinang bulong ni Kyle saka umirap-irap.

"Tsk let's go. Male-late na tayo." pagyaya ni Calvin at mabilis namang tumango sa kanyang si Quincy.

Sabay-sabay na lumakad ang mga ito sa kanilang building saka pumasok sa kanilang classroom.

Kalat sa buong campus ang tungkol sa pagsilang ng sanggol ni Eliana. Magkahalong negative at positive ang mga comments ng mga istudyante patungkol sa kanya pati narin sa bata. Hindi na lamang iyon pinagtuunan ng pansin ni Cameron. Ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon.

"Congratulations Cameron."

"Potangina." hindi napigilang magmura ng binata ng marinig ang sinabi ng kaklase.

"Relax, puso mo." nakangising bulong ng pinsan niyang si Javion.

"Kini-congrats ka nga, galit ka pa." nang-aasar pang sambit ni Dwight.

"Hindi ko alam kung pang-iinsulto ba yun o kung ano. Naiirita ako." kunot-noong asik nito.

"Maraming salamat daw." nakangiting pasasalamat ni Matthew sa kaklase.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now