CHAPTER SIXTY THREE

245 16 0
                                    

Nasa sala sina Cameron habang abalang-abala naman ang ina ni Xavia sa pakikipag-usap sa ama't ina ni Javion. Masaya ang mga ito habang nagkwe-kwentuhan sa kani-kanilang mga buhay-buhay.

Sa sala naman ay nagkakasayahan narin dahil narin sa tama ng alak sa mga ito.

"Do you already have a boyfriend?" tanong ni Matthew kina Fayette at Avryll.

"Nothing yet." sagot ni Fayette.

Bahagyang nagkatinginan sina Cameron at Javion. Sa tingin pa lamang na iyon ay naintindihan nila ang isa't-isa. Tumango-tango si Javion at mabilis na tumayo.

Nakasando lamang ang binata at kitang-kita ang hubog ng mgandang katawan nito. Mabilis siyang nilingon ng dalawa at bahagyang kinagat pa ibang labi habang nakatingin sa tiyan ni Javion.

"You don't have a boyfriend right? What is your type of man?" nakangiting tanong ni Javion at dahan-dahang na uminom ng alak habang ang tingin ay nasa dalawa.

Bahagyang natigilan ang dalawa dahil masyado silang naa-attract sa binata.

"It's simple Javion. I like the yummy, handsome and wild in bed." wala sa sariling sagot ni Avryll habang nakatingin parin sa katawan niya.

"What?" nakangising tanong muli nito at dahan-dahang natauhan ang dalaga.

"No, I mean kind and hardworking." pambabawi nito sa kanyang sinabi.

Tumawa ng tumawa si Xavia at sinamaan siya ng tingin ng kaibigan. Nilingon naman ni Javion si Cameron at senenyasan itong magpatuloy.

"If you would like one of my friends, who and why? Cameron and Kyle are no longer involved."

"Tsk." nakangising anas ni Cameron at mabilis na uminom ng alak.

Mabilis na nagsitayuan sina Dranreb at nag pa-cute pa sa harapan ng dalawa.

"Are you not part of the choices?" malanding tanong ni Avryll kay Javion.

"Why? will you choose me?" nang-aasar pang ngumiti si Javion rito.

"Yeah." diretsong sagot ni Avryll.

"How about you Fayette?" biglang tanong ni Xavia sa kaibigan na titig na titig kay Calvin na para namang walang pakialaman sa mundo.

Kanina pa titig na titig ang dalaga sa binata. Ultimong pang-inom ng alak nito ay hindi nakalampas sa kanyang paningin.

"Mukhang type ka kambal no'ng Fayette." biglang bulong ni Kyle dahilan para lingunin siya ni Calvin.

Dahan-dahan nitong nilingon ang dalaga na mabilis namang inalis ang tingin sa kanya.

"Ikaw talaga ang type niya Calvin. Sa wakas, magkaka-lovelife ka na." nang-aasar na singit ni Dwight at muling naupo sa sofa.

"Nananahimik ako rito kaya wag niyo akong dinadamay." nakangiwing tugon ng binata.

"Bakit ba ang gwapo mo'ng hinayupak ka?!" iritang kunwaring tanong ni Matthew sa kaibigan.

"De quoi parlent-ils?" nagtatakang tanong ni Fayette kay Xavia.

Trans: What are they talking about?

"Ils parlent de combien vous êtes affectueux." nakangising sagot nito sa kaibigan.

Trans: They talk about how loving you are.

"Really?" gulat na gulat na tanong ng dalawa at tumango naman siya at tumawa ng tumawa.

"Are you alright Baby?" bulong ni Cameron ng mapansin ang pananahimik ng dalaga.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now