35: INTRAMURALS

306 18 1
                                    

Nagising si Quincy ng nakangiti. Mabilis siyang bumangon ng kama at dali-daling tiningnan ang cellphone para alamin kung may message doon si Cameron.

"Baka natutulog pa." nakangiting aniya nang walang makitang mensahe galing sa binata.

Kinuha niya ang kanyang tuwalya bago magtatakbo papunta sa banyo para maligo. Halos isang oras rin ang tinagal niya doon bago naisipang lumabas. Kaagad narin siyang nagluto ng kanyang almusal, ayaw niya rin namang paghintayin si Cameron ng matagal. Hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi habang sinusuot ang kanyang P.E uniform. Inilugay niya narin ang mahabang buhok dahil basang-basa parin naman iyon.

Lumipas pa ang ilang minuto, muli niyang tiningnan ang cellphone ngunit wala paring mensahe galing sa binata. Bumuntong-hininga na lamang si Quincy saka muling ngumiti. Kinuha niya ang kanyang bag na nakapatong sa kanyang table saka lumabas ng kanyang kwarto. Ni-lock niya iyon bago naglakad palabas.

"Hindi ka susunduin ng boyfriend mo?" tanong ni Mang Toto ng makita ang dalagang nag-iisa.

"Good morning Mang Toto. Hindi na siguro, baka kasi natutulog pa o hindi ako masusundo." nakangiting sagot ng dalaga.

"Oh siya, mag-iingat ka sa pagpasok."

"Opo."

Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad hanggang sa makalabas siya ng apartment nila. Walang kotseng nakaparada sa tapat nito gaya ng nakasanayan na niya. Hindi na pinansin pa ni Quincy iyon at nagpatuloy na lamang sa kanyang paglalakad.

Maganda ang simoy ng hangin ngayon at unti pa lamang ang mga sasakyan na nakikita niyang dumadaan. Umangat ang paningin ng dalaga sa mga puno na nasa tabi ng kalsada, bahagya sumasayaw ang mga sanga nito dahil sa ihip ng hangin. Muli siyang napangiti ng makita ang dalawang maya na animo'y masayang magkasama. Bahagya hinahagod ng isang maya ang ulo ng isa pang maya na nagpapakita ng pagmamahal sa isa't-isa.

Nakarating siya sa school at nahirapan pa siyang makapasok dahil sa dami ng istudyanteng nakaharang sa main gate. Mabilis siyang nagtatakabo papasok at automatikong napatingin sa parking lot. Nandodoon na ang kotse ni Cameron, bahagya pa siyang natigilan bago magdiretso sa paglalakad papasok ng court.

"Harley Quinn!" masayang tawag ni Kyle ng mapansin siya nito.

Dahan-dahan ngumuti ang dalaga ng makita niya ang buong team. Nakaupo ang mga ito sa bench. Kaagad na dumapo ang mata ni Quincy kay Cameron, bahagya siyang nagtaka dahil hindi manlang siya magawang sulyapan ng binata. Unti-unti siyang naglakad at umupo sa tabi nito.

"Good morning." matamis na bati niya bago halikan ang labi ni Cameron.

Walang gana siyang nilingon nito. Walang emosyon o walang karea-reaksyon manlang. Nakatingin lamang siya sa mga mata nito na walang kahit anong salitang lumalabas sa bibig ni Cameron. Nakaramdam ng lungkot ang dalaga ng alisin ni Cameron ang tingin sa kanya.

Bumuntong-hininga si Calvin nang mapansin ang kinilos ng kaibigan sa dalaga. Kanina pa nila ito napapansin na wala sa mood. Pagdating na pagdating pa lamang ni Cameron ay wala siyang kinausap nino man sa kanila. Ultimong ang pinsan nito ay hindi din alam kung bakit ganoon ang kinikilos ng binata.

"Quin." tawag niya.

"Hmm?" malungkot na sagot ni Quincy.

Tiningnan siya ni Cameron ng ilang segundo bago magbaba ng tingin sa sahig. Wala itong kilos na ginawa o hindi manlang nagsalita.

Mabilis na lumapit ang binata sa dalaga. Unti-unti nitong nilahad ang kanyang kamay dahilan para tingnan iyon ni Quincy.

"Let's go."

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now