CHAPTER SEVENTY

188 13 2
                                    

Tumigil sa paglalakad si Quincy ng makita ang kasintahan buhat-buhat ang bunso niyang kapatid. Mahimbing itong natutulog sa balikat ng binata habang si Cameron naman ay panay parin ang paghele rito. Hindi niya maiwasang mapangiti habang tinitingnan ang kasintahan. Sumandal siya sa glass wall saka pinagkrus ang paa't braso.

Naramdaman ni Cameron na may nakatingin sa kanya kaya dahan-dahang niyang nilingon kung nasaan si Quincy.

"Bakit hindi mo pa ibigay kay Mama si Arya? Mukhang kanina pa tulog na tulog?" nakangiting tanong niya sa binata.

"She won't let me go." mahinang sagot niya bago magbaba ng tingin sa kamay nitong sobrang higpit ang pagkakahawak sa kanyang t-shirt.

Bahagyang tumawa ang dalaga at naglakad papalapit sa kanya.

"Ibigay mo sakin." wika nito.

Dahan-dahang inalis ni Cameron ang kamay nitong nakakapit sa kanya at maingat na inabot kay Quincy. Bahagya pa itong gumalaw kaya tinapik-tapik ito ng dalaga.

"You can have a family, Baby." abot tengang ngiting bulong ni Cameron sa kanya.

"Tumigil ka. Tara na." asik ni Quincy at nauna ng maglakad patungo sa kwarto ng Ina.

"Hey, wait for me." bahagyang sigaw ng binata saka nagtatakbo para lamang maabutan siya.

Tinahak ng dalawa ang daan patungo sa kwarto ng Ina ng dalaga. Tanging sila na lamang ang nandodoon dahil umuwi rin ang mag-asawa sa mansion nito. Hindi rin doon nanatili ang magkakaibigan dahil pinaghahandaan nito ang ireregalo para sa isat-isa.

Kumatok ng tatlong beses si Cameron bago iyon buksan ni Dante.

"Naku, nakatulog na pa si Arya." nakangiting wika ni Theresa.

Lumapit ang dalaga sa kama nito at maingat na ibinaba ang bata. Mahimbing naring natutulog si Isiah sa tabi ng Ina.

"Matulog narin kayo at anong oras na." wika ni Dante.

"Hmm opo. Goodnight Ma, Tito Dante." ani Quincy.

"Goodnight." si Cameron.

Tumango ang dalawa at hindi narin sila nagtagal doon. Sumilip pa ang dalaga sa kwarto ng ama na mahimbing naring natutulog.

Pagpasok ng dalawa sa kwarto, mabilis na nahiga si Cameron sa paanan ng kanilang kama.

"Liligo muna ako." paalam ni Quincy at dire-diretso ng pumasok sa banyo.

Habol-tingin namang si Cameron sa kanya.

Mabilis na hinubad ni Quincy ang lahat ng kanyang suot bago buksan ang shower. Napipikit siya sa sobrang sarap na pakiramdam habang dumadaloy sa buong katawan niya ang katamtamang init ng tubig. Hinagod-hagod niya ang buhok at sinimulan iyong lagyan ng shampoo.

Maingat na pinihit ni Cameron ang doorknob ng kanilang bathroom, bumungad sa kanya ang hubo't hubad na katawan ng dalaga. Napangiti na lamang siya habang palihim na pinagmamasdan iyon. Hinubad niya narin ang lahat ng kanyang suot-suot at pumasok sa loob ng shower.

Bahagyang nagulat si Quincy ng may maramdaman siyang kamay na humawak sa kanyang bewang.

"Baby."

"Cameron."

"Can I take a bath with you?" nakangiting tanong nito.

"Ano pa bang magagawa ko? Nandiyan ka na." nakangising tugon niya.

Tumawa naman si Cameron at binasa narin ang buo niyang katawan. Kinuha niya ang sariling shampoo at nilagyan ang kanyang ulo. Pinagmasdan lamang siya ni Quincy sa ginagawa nito.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now