The day everyone has been waiting for has arrived.
Graduation day...
Tumigil ang sinasakyan sasakyan ng magkakaibigan at sabay-sabay na bumaba doon kasa-kasama ang kanilang mga magulang.
"Bestie!" sigaw ni Princess ng makita ang kaibigan.
"Congratulations in advance FA Herrera." masayang wika ni Quincy bago yakapin ang kaibigan.
"Oh my goodness! Ang aga pa bago umiyak." naluluhang sigaw pa nito bago tumawa.
"Engr!" sigaw ni Kyle ng makita sina Cameron.
"Businessman." nakangiting ani Cameron bago yakapin ang kambal.
"Parang naiiyak ka JP?" nang-aasar pang sambit ni Dranreb habang sinisipat ang mukha ni Javion.
"Dapat na ba akong maiyak? Wala na naiiyak na ako. Gago, wala 'to para kayong tanga." pagsakay pa nito bago takpan ang mukha gamit ang sariling kamay.
Nagtawanan ang magkakaibigan. Tiningnan ni Cameron ang kasintahan, nakangiti niyang hinapit ang bewang nito bago hinalikan ang kanyang noo.
"Are you ready for your speech later?" tanong nito.
Tumango-tango naman ang dalaga sa kanya.
"I'm so proud of you Baby."
"Proud na proud rin ako sayo Cameron. I mean Engr. Safstrom." pagtatama pa nito bago ngumiti ng pagkatamis-tamis.
"Congratulations guys."
Sabay-sabay na napalingon sina Cameron sa kanilang likuran. Nakatayo doon si Eliana at Zanjoe habang buhat-buhat ang anak.
"Congratulations to the both of you." wika ni Cameron sa dalawa.
"Yeah. This is probably the last time I will see you."
"Why?"
"Joe and I talked about living in America with his family."
Umangat ang tingin ng binata kay Zanjoe na abala sa pakikipaglaro sa anak. Muli siyang tumingin kay Eliana bago ngumiti.
"I will support you in the life you will lead. Thanks for being a part of my college life, Eliana."
"Thank you. Because of you I have learned a lot in life. You are the one who taught me how to love." tugon nito bago tingnan si Quincy.
Bahagyang nagulat ang dalaga ng dahan-dahang nitong kunin ang kamay niya.
"Cameron is too far away from the old Cameron I knew. He has changed since he met you so thank you Quin because you were also one of the reasons why we corrected our mistake." pasasalamat pa nito.
"Hindi naman ako ang dahilan kung bakit nagbago si Cameron. Nagbago siya para sa sarili niya." pagtatama naman ni Quincy at sinulyapan ang kasintahan.
"Hanggang ngayon ay hindi ka parin talaga nagbabago. Sobrang bait mo parin."
Ngumiti na lamang si Quincy rito.
"By the way, mauuna na kami sa inyo. Thank you Guys and congratulations."
"Congratulations too." wika nina Kyle habang kumakaway pa kay Eliana.
"Ate Quincy!"
"Isiah!" masayang sigaw ni Quincy at mabilis na niyakap ang kapatid na tumatakbo papunta sa kanya.
"Akala ko'y hindi na kayo makakapunta." wika nito sa Ina.
"Hindi kami pwedeng mawala sa special na araw mo anak." tugon naman nito bago sulyapan si Efren.
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
Ficción GeneralDifferent person but the same affection Opposite identity but the same affinity A kind of person with a different lifestyle and beliefs in life and a woman who has a peaceful world. Cameron is his name, the most annoying man in the entire universe...