Normal day.....
Maingat na bumangon si Quincy sa kama dahil mahimbing pang natutulog si Cameron. Lumabas siya ng kwarto at doon nag-unat ng buto. Wala pang tao sa baba dahil natutulog parin ang iba.
Bumaba na siya ng hagdanan at nagtungo sa kusina para magluto ng almusal. Ngiting-ngiti pa ito habang nagluluto. Napagusapan nina ni Fayette ang gumala manlang para naman sulit ang pagpunta nila sa Pilipinas.
Female bonding.
"Good morning."
Umungat ang tingin niya ng marinig ang boses ni Cameron. Nakasandal ito sa glass wall habang magkrus ang braso.
"Good morning. Ang aga mo naman atang magising."
"Hmm, naramdaman kong wala ka sa tabi ko." matamis na tugon nito.
Humakbang si Cameron papalapit sa dalaga at dahan-dahang nitong niyakap ang bewang ni Quincy mula sa likuran.
"Ang ganda-ganda ng gising ko kapag ikaw agad nakikita ko. Pakasalan na kaya kita?"
"Tsk, Ayan ka na naman Cameron Declan Nile."
"It's really good to hear your voice saying my name It sounds so sweet" kumakanta pang sagot nito bago tumawa ng tumawa.
"Alam mo Quincy Safara, kasal nalang ang kulang satin para matawag tayong mag-asawa. Magkasama na tayo sa iisang bubong, ayos na magulang mo, ayos na kay Kuya. Ano pa bang kulang satin?"
"Ang magtapos tayo ng pag-aaral." mabilis na wika ng dalaga.
"Magtatapos naman tayo ng pag-aaral kahit na mag-asawa na tayo." pagpupumilit pa nito.
"Bakit ba hindi mo muna enjoy-in ang pagiging binata?"
"Hindi naman ako magpupumilit na pakasalan ka kung hindi ko pa nae-enjoy ang pagiging binata." nakangising aniya.
Ibinaba ni Quincy ang hawak-hawak na spatula bago umikot para harapin ang binata.
"Kapag talaga gustong-gusto mo, ipipilit mo no?" nakangising tanong niya rito.
"Bakit hindi? Kung ang pagpupumilit ko ay ang magiging resulta ay maging asawa mo?." tumaas-baba pa ang kilay nito.
Nangisi ang dalaga ng may maisip siya para inisin ang kasintahan.
"Paano kung hindi pa ako sigurado na Ikaw na nga ang magiging Asawa ko?"
Nawala ang matamis na ngiti sa labi ni Cameron at napalitan iyon ng pagkakunot ng noo nito.
"Anong sinabi mo?"
"Paano kako kung hindi pa ako sigurado na Ikaw na nga ang magiging Asawa ko?"
Mas nangunot pa ang noo nito kaya dali-daling pinigilan ng dalaga ang mapatawa.
"May iba ka pa bang gustong maging asawa?" masungit na tanong ni Cameron bago dumistansya ng bahagya.
Pinagsakop nito ang mga braso at seryosong tiningnan ang dalaga.
"Wala pa naman, nagbabago ang isip ng tao, Cameron." tugon niya.
Muli siyang tumalikod para asikasuhin ang kanyang niluluto. Doon narin inilabas ni Quincy ang ngiting kanina pang gustong kumawala sa kanyang labi.
"Baby." nakangusong tawag ni Cameron.
"Hmm?"
"Hindi mo na ba ako lab?"
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
Fiksi UmumCameron. The most infuriating man in existence. A whirlwind of charm and chaos, capable of both devastating cruelty and irresistible allure. He could twist any woman around his finger, a master manipulator cloaked in ungentlemanly behavior, yet some...
