Cameron sat down beside the pool and and looked at the orange sky. Gandang-ganda siya sa view na iyon. Sa tuwing sasapit ang hapon ay iyon ang gustong-gusto niyang nakikita. Padating sa pamamahay nito ang mga kaibigan dahil napagpasyahan ng mga itong matulog sa pamamahay nina Cameron. Ilang buwan narin ang nakalipas magmula ng ginawa nila iyon.
Napalingon si Javion sa pinsan ng mapansin niya ito. Dahan-dahan siyang ngumiti bago mag-lakad papalapit kay Cameron. Umupo siya sa tabi nito at pinagmasdan rin ang kahel na langit.
"What are you thinking?" Javion asked while his gaze was still on the sky.
"Hindi ka naman maniniwala kung sasabihin ko sayong si Kuya ang iniisip ko." nakangising sagot ni Cameron.
"Are you worried about Atticus 'safety? Hindi lang naman ito ang unang beses na gagawin ni Atticus ang ating misyon na mag-isa lang."
"Alam ko. Hindi mo parin naman naman maaalis sa katawan ko ang pag-aalala ko para sa kapatid ko. He was in the territory of that animal and he was not one hundred percent safe there. Ayoko ng mawalan ng mahal sa buhay JP." seryosong sagot ni Cameron.
Ngumiti si Javion bago tapik-tapikin ang likuran ni Cameron. Alam niya na sobrang importante ni Atticus sa pinsan at naiintindihan niya kung bakit ganito na lamang ang pag-aalala niya para sa kapatid.
"I understand how you feel Dekdek. That's okay, nangako naman si Atticus na babalik siya."
Bumuntong-hininga na lamang si Cameron bago tumango sa binata.
"Wala pa ba sila?"
"Padating na." sagot ni Javion. "Alam mo imbes na iniisip mo ang kapatid mo, isipin mo nalang si Quincy."
"Hmm. Ano pa bang iisipin ko kay Quincy? Natulala nga ng bigyan ko ng bulaklak." aniya ng muling maalaala ang reaksyon ng dalaga matapos niyang iabot ang bulaklak na binili para sa dalaga.
"I'm happy for you Cameron. Nakikita ko naman na seryoso ka talaga sa sinasabi mo. Akalain mo nga naman oo, naisip mo ba dati na mahuhulog ka sa iisang babae?"
Itinuon ni Cameron ang dalawang kamay sa kanyang likuran dahilan bahagya siyang lumiyad.
He could not immediately answer that question. Hindi rin niya inisip na magkakagusto siya sa iisang babae. Ang alam lang niya ay ang mga kababaihan ay tulad ng isang barbie doll na maaaring paglaruan.
"Ganito pala kapag nagmamahal." natatawang wika niya. "Hindi ko alam na magaan pala sa pakiramdam. I thought Kuya was just joking every time he told me about how he felt every time he was with Ate Xavia. Naiintindihan ko na siya ngayon." dagdag niya pa bago ngumiti kay Javion.
"We're here to support you in what you think will make you happy."
Tumango-tango na lamang siyang muli.
Napatingin ang dalawa ng marinig ang sunod-sunod na busina galing sa iba't-ibang klaseng kotse. Mabilis na tumayo ang mga ito at nagtatakbo papalabas. Nandodoon ang kotse ng mga kaibigan na naghihintay nalang na bumukas ang pintuan ng garahe.
"Ako na." presenta ni Javion at nagtatakbo pababa doon.
Inilagay ni Cameron ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang short saka pinagmasdan na makapasok ang lahat ng kotse sa garahe.
"Welcome home." masayang itinaas ni Dranreb ang dalawang kamay at ipinikit pa ang mata para lamang damhin ang magandang atmosphere.
"Cameron." tawag ni Calvin.
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
Ficción GeneralDifferent person but the same affection Opposite identity but the same affinity A kind of person with a different lifestyle and beliefs in life and a woman who has a peaceful world. Cameron is his name, the most annoying man in the entire universe...