"Magiingat kayo." wika ni Calvin habang nakatingin sa mga kaibigang nakasandal sa sarili-sariling kotse.
Nakatungo lamang si Quincy, hindi niya alam kung paano haharapin si Cameron. Hiyang-hiya siya sa binata dahil sa nangyari kanina sa may comfort room. Wala rin namang kibo si Cameron at hindi rin niya magawang lingunin ang dalaga.
Dahan-dahan lumapit si Calvin kay Quincy at isinuot dito ang kanyang jacket. Ngumiti pa ito bago niyakap ng pagkahigpit-higpit ang dalaga.
Sabay-sabay na umawang ang labi nina Javion habang nakatingin sa dalawa. Sinulyapan na lamang iyon ni Cameron bago naunang pumasok sa kanyang kotse.
"Take care. Magpahinga ka." mahinang bulong ni Calvin rito.
Tumango na lamang siya at bahagyang niyakap ang binata. Dumating narin ang sundo nila.
"Thank you Calvin. Happy birthday. Pakisabi narin kay Kyle happy birthday ulit." pamamaalam ni Princess at bumeso pa kay Calvin.
"Makakarating."
Tinulungan nitong pumasok ang dalawa at siya narin ang nagsarado ng pintuan. Bahagya niya pang tinapik ang bubong ng kotse bago umabante. Sabay-sabay namang bumisina ang mga ito sa kanya at hindi narin nagtagal pa doon.
Nang tuluyan ng mawala sa kanyang paningin ang mga ito ay pumasok narin siya sa loob ng kanilang pamamahay. Tahimik na ang buong kabahayan at bahagya pang nagkalat ang ibang regalo na para sa kambal. Nagpapahinga narin ang magulang nito at tanging siya na lamang ang gising. Mabilis niyang hinahanap ang paper bag kung nasaan nakalagay ang regalo sa kanya ni Quincy. Nakapangiti siya ng makita iyon. Mabilis niyang kinuha ang paper bag saka nagtatakabo papunta sa kwarto nilang dalawa.
Dahil natutulog na ang kakambal dahil sa sobrang kalasingan, maingat niyang isinara ang pintuan at maingat rin sumampa sa kanyang kama. Binuksan niya pa ang lampshade na nakapasok sa kanyang side table at binuksan na ang paper bag na iyon. Nakita niya ang dalawang box at kinuha ang box kung saan nakapangalan sa kanya.
Nang maibaba niya iyon sa kanyang kama, ipinatong ni Calvin ang paper bag sa side table ng kambal bago muling pumunta sa sariling higaan. Binuksan niya iyon at hindi niya maiwasang matuwa ng mapagtantong explosion box iyon. Isa-isa niyang binasa ang mga letter doon ni Quincy hanggang sa makarating siya sa pinakamaliit na box kung nasaan ang necklace na ginawa ng dalaga para sa kanila.
"Hope you like it Calvin. Happy birthday again." basa niya sa nakasulat doon.
Excited niyang binuksan iyon at natigilan niya ng makita ang laman nito. Dahan-dahan niyang kinuha ang nakaayos na kwintas at tiningnan ang pendant nito kung saan nakalagay ang unang initial ng kanyang pangalan.
"It's so beautiful."
Nagtatakbo siya sa malaking salamin at dahan-dahan iyong isinuot. Natuwa pa siya lalo ng bumabagay iyon sa kanya.
Bumagsak ang katawan ni Cameron sa malambot na kama. Kakarating lamang nilang dalawa ng pinsan at nagdiretso na agad siya sa sariling kwarto. Nakatingin lamang siya sa kisame at pinipilit na matanggal sa kanyang isip ang nangyari sa pagitan nila ni Quincy. Ramdam na ramdam niya parin ang labi ng dalaga at hindi niya maiwasang mapapikit sa halo-halong emosyong nararamdaman.
"Dekdek." napatingin siya sa pintuan ng dahan-dahang magbukas iyon.
Pumasok ang kanyang kapatid kasunod ang kanilang pinsan. Sabay na humiga ito sa kanya at yumakap. Humalik pa si Atticus sa noo ng kapatid bago pinag-aralan ang mukha nito.
"Kamusta ang party?"
"Nothing changed kuya."
"Malungkot si Cameron dahil walang nakama'ng babae." nakangising ani JP at bahagya niya naman itong siniko.
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
General FictionCameron. The most infuriating man in existence. A whirlwind of charm and chaos, capable of both devastating cruelty and irresistible allure. He could twist any woman around his finger, a master manipulator cloaked in ungentlemanly behavior, yet some...
