CHAPTER SEVENTY SEVEN

200 10 0
                                    

Sabay-sabay na itinaas nina Cameron ang baso na hawak-hawak nila at malakas na sumigaw ng....

"CHEERS!"

Tuwang-tuwa ang mga ito habang masayang nagkwe-kwentuhan tungkol sa magiging kinabukasan nila.

"When is your board examination?" tanong ni Calvin sa walo.

"Maybe second week of August." sagot ni Javion sa kanya.

"Congratulations because you have graduated, I'm just not sure if I can congratulate you after you take the board exam."

Tumaas ang kilay ng binata at dahan-dahang inilagay ang kanyang kamay sa kanyang bewang.

"At bakit?"

"Will you pass the board exam?"

"ABA POTANGINA NITO AH! PIGILAN NYO KO SASAPAKIN KO TO!" inis na asik pa nito habang inaambangan ang kaibigan.

"Tama na para kang tanga." nakangising ani Cameron bago hilahin ang buhok ng pinsan.

"Aray naman! Pwede namang pigilan ng hindi nananakit!" wika pa nito matapos tanggalin ang kamay ng binata na nakahawak sa kanyang buhok.

Inayos-ayos pa iyon ni Javion, nanlilisik pa ang mata niyang tiningnan si Calvin na umiinom ng alak.

"Tandaan mo ang araw na to, Calvin Amedeus! Darating ang araw na tatayo ako sa harapan mo bilang successful na Engr."

Ibinaba ni Calvin ang basong hawak at nang-aasar na tiningnan ang kanyang relo para alamin kung anong Oras at kung anong pesta.

"Copy that." nakangisi pa itong sumaludo dahilan para mas mainit ang binata.

"Malakas ang loob niyang mang-asar ngayon dahil aalis na yan." singit ni Kyle at napatingin naman ang lahat sa binata.

"Aalis?" nagtatakang tanong ni Quincy kay Calvin.

"Saan ka naman pupunta aber?" tanong ni Dranreb.

"Biryani's Restaurant will be built in Cavite and I will manage it. I'll probably be gone for a few months, depending on when it opens." paliwanag nito.

"Wew! Cavite lang naman pala akala mo naman pupunta sa kabilang planeta." nakangiwing sabi ni Matthew matapos bumuga ng hangin.

"Take care." waring walang pakialam pang sambit naman ni Dwight.

"Baka naman pagpunta mo ng kasal nina Quincy at Cameron, may kasama ka ng babae." si Jethro.

Pasimple namang tiningnan ni Quincy ang binata na parang natahimik sa sinabi nito.

"When is your wedding?" tanong dito habang ang tingin ay na kay Cameron.

"May." mabilis na sagot nito dahilan para mapatingin sa kanya sina Xavia at Atticus maging ang dalaga.

"May?" gulat na tanong ni Quincy at tumango-tango naman ang binata.

"Are you sure about that Dekdek?"

"Should it be extended? We talked well, didn't we? We can get married after we both graduate." nakangising tugon pa nito.

Ngumisi rin naman sa kanya si Atticus bago lingunin si Quincy.

"Are you for that Quincy?"

"Huh?" wala sa sariling sagot ng dalaga.

Napahalakhak na lamang si Cameron at dahan-dahang hinawakan ang kamay nito. Pinagmamasdan niya ang sing-sing na suot-suot ni Quincy bago mag-angat ng tingin sa mukha nito.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now