CHAPTER SIXTY SIX

258 19 3
                                    

Sabay naupo sina Quincy at Calvin sa waiting shed. Tanging sila lamang ang nandodoon dahil ang kapatid nitong si Kyle ay sinusundo ang kasintahang si Princess habang sina Cameron naman ay hindi pa tapos ang klase.

"Pwedeng magtanong?"

Dahan-dahang napalingon si Clavin sa dalaga na nakangiti habang nakatingin sa malayo.

"What is it?" tugon ng binta.

"Tungkol sana kay Fayette."

Bumuntong-hininga si Calvin at muling tumango sa dalaga.

Unti-unting pinihit ni Quincy ang kanyang ulo patungo kay Calvin. Muli siyang ngumiti rito bago magsalita muli.

"Yung sinabi kanina ni Kyle. Totoo na nag I love you siya sayo?"

"Yeah." mabilis na sagot ng binata.

"Anong naramdam mo nong mabasa mo ang sinabi niya?"

Sumandal si Calvin sa sandalan at ipinatong doon ang dalawa niyang kamay. Bahagya ring umangat ang tingin niya para pagmasdan ang bubong ng waiting shed na iyon.

"I don't know how I will feel. I don't understand that woman. We had only been together for a few days but it was easy for her to say that thing. Doesn't she know what the word love is?." seryosong wika ni Calvin.

"Malay mo na-love at first sight sayo." nakangiting ani Calvin.

"Kalokohan. Hindi ako naniniwala sa love at first sight. Kung sinong engkanto lamang ang gumawa niyan."

Hindi napigilan ng dalaga ng matawa dahil sa sinagot sa kanya ng binata. Natawa narin si Calvin sa sariling sinabi.

"Wala kang nararamdaman para sa kanya? Mukha naman gusto ka talaga niya."

"I feel nothing for her. One more thing, I prefer the woman I secretly love."

Kumunot ang noo ni Quincy at pinagaralan ang mukha ni Calvin. Seryosong-seryoso ang expression ng mukha at halatang nagsasabi ng totoo.

"Minamahal mo ng palihim?" pinagsamang gulat at pagtatakang tanong ng dalaga.

Bahagyang tumawa si Calvin at ginulo ang buhok ni Quincy.

"Yeah."

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya? Malay mo may gusto rin siya sayo."

"She didn't need to know anymore. First of all, she is happy with what she has now and I am also happy for her."

"Meron bang ganon? Dapat alam niya rin para aware siya diba? Isang kagalakan na magustuhan ng Calvin Amedeus Fernandez no."

"If I only knew that my feelings for her would be deeper, I would have said for a long time that I like her."

"Bakit hindi mo sinabi noon pa?"

Imbes na sumagot, ngumiti na lamang ang binata at pinagmasdan ang mukha ni Quincy.

"Hoy!"

Sabay na napalingon ang dalawa sa malakas na sigaw ni Javion sa hindi kalayuan. Mabilis na nagtama ang tingin nina Quincy at Cameron dahilan para ngumiti sila sa isat-isa.

"Baby."

"Kamusta ang klase?" nakangiting tanong ni Quincy ng makaupo ang binata sa kanyang tabi.

"Kapagod maging Engr." nakangiwing tugon nito.

Nagtama ang tingin nina Cameron at Calvin at mabilis itong sinamaan ng binata. Ngumisi na lamang si Calvin at hinayaan na ang kaibigan.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now