EPILOGUE

337 9 2
                                    

Ilang buwan narin ang nakalipas matapos mangyari ang gulo sa pagitan nina Cameron at nina Laurier. Matapos ng araw na iyon ay unti-unti nilang naramdaman ang kapayaan at gaan ng pakiramdam dahil sa wakas ay babalik na sila sa dati na walang iniisip na problema.

Sa ilang buwan narin na nakalipas na iyon, marami nang nangyari. Umuwi ng France sina Atticus at Xavia dahil doon nila naisipang isilang ang kanilang anak na babae. Habang sina Javion naman ay masayang nag take ng kanilang board exam. Si Princess ay kalasukuyan naring stewardess sa pinakasikat na airline sa Pilipinas. Habang si Quincy naman ay ganap ng CEO ng Isang kumpanya na pag-aari ng pamilya ni Atticus.

Naging abala rin ang kambal sa business. Halos hindi na sila magtagpo-tagpo dahil magkakaiba ang araw kung kailan sila libre.

Matapos rin ng araw na iyon, tuluran nang isinara ang Chamberlain Society, kasalukuyang nasa kulungan ang mga myembro nito at Wala narin silang balita tungkol rito.

Nakangiti ang dalaga habang pinagmamasdan ang lapidang nasa kanyang harapan. Tinititigan lamang niya iyon habang tahimik na nananalangin. Masaya dahil muli siyang nakapunta sa lugar na iyon para dalawin ang mga ito.

"Mommy Quincy." masayang tawag ni Nathaniel sa Ina.

Napalingon si Quincy at abot tenga ang kanyang ngiti habang pinagmamasdan ang anak na tumatakbo papalapit sa kanya.

"Hindi pa po ba Tayo aalis?" tanong ng bata matapos makalapit sa kanya.

"Aalis narin tayo. Dinadalaw lang natin sila." tugon niya habang nakaturo sa mga lapida.

Hindi na nagsalita pa ang bata at pinagmasdan lamang ang mga mukha nito.

"Kamukhang-kamukha ni Daddy Cameron ang Daddy niya." ani Nathaniel at tumango-tango naman si Quincy bilang pagsang-ayon.

Bumuntong-hininga si Quincy bago tumayo. Hinawakan niya ang kamay ng anak bago ngumiti rito.

"Let's go na."

"Opo."

Naglakad ang mag-ina patungo sa kanilang kotse. Napakunot pa ang noo ni Quincy ng mapansin niyang may nakasandal doon.

"Hi."

"Hi." bati niya. "Akala ko'y hindi ka pupunta, busy ka pa naman." dagdag pa niya bago halikan ang pisngi nito.

"I'm going to see you because I miss you." abot-tenga pang anito.

Ngumisi naman si Quincy at tiningnan si Nathaniel.

Binuhat niya ang bata at binigay sa kaharapan.

"How are you, handsome?" matamis na tanong nito sa bata.

"Okay lang naman po. Gwapong-gwapo parin." tumatawang sagot ni Nathaniel dahilan para tumawa ito.

"I love the spirit."

"Syempre. Baka Isa po akong Safstrom."

"What is your motto in life?"

"Piliin maging gwapo dahil sa panahon ngayon, bilang nalang ang ganitong mukha sa mundo. " taas-noong wika ng bata at muli itong tumawa ng tumawa.

"Tsk, mag-ama nga kayong dalawa."

"Hey Baby, that's true!" giit ni Cameron at inismiran lamang siya ng asawa.

*FLASHBACK*

Nang pindutin ni Victor ang button, mabilis na nakatalon si Cameron sa karagatan bago pa tuluyang sumabog ang barko.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now