CHAPTER FIFTY FOUR

271 14 0
                                    

Cameron was shocked to see his frightened friends staring at them. He quickly turned to Quincy who was just staring at him.

"Baby." gulat at kinakabahang pagtawag ng binata.

Tiningnan ni Javion sina Alfred at napatungo lamang ang mga ito.

"An-ong ibig-sabihin nito Ca-meron?" naguguluhang tanong ni Quincy ng tuluyang makalapit sa kanya ang binata.

"Baby."

Bumaba ang tingin ni Quincy sa hawak nitong baril at muling umangat ang tingin sa mukha ni Cameron. Unti-unti siyang humakbang paatras kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha.

"Baby, magpapaliwanag ako." akmang hahawakan ni Cameron ang kanyang kamay ngunit mabilis niya itong iniwas.

"Kayo ba ang may dahilan kung bakit sumabog ang kotse na yun? Sa inyo ba galing ang mga sunod-sunod na putok ng baril? Kaya niyo ba kami pinaalis dito dahil may krimen kayong gagawin?" tumutulong luhang tanong ng dalaga dahilan para matigilan ang dalawa.

Sinulyapan nina Cameron at Javion ang mga kaibigan at nakikita nila sa mukha nito ang pagtataka at takot sa kanila.

"Kailangan namin gawin 'to para sa magulang ko." seryosong sagot ni Cameron dahilan para mas lalong kumunot ang noo ni Quincy. "Sila ang isa sa pumatay sa mga magulang ko at dahil buhay ang kinuha nila, buhay rin ang kukunin ko." dagdag pa nito habang nakatingin sa mata ng dalaga.

Hindi alam ni Quincy kung anong magiging reaksyon sa sinabi nito. Hindi niya matanggap na ginawa iyon ng lalaking minahal ng todo.

"Baby." mahinang pagtawag ni Cameron ngunit mabilis na lumayo sa kanya muli ang dalaga.

"Hindi ikaw ang Cameron na minahal ko."

"Are you both criminals?" kunot-noong ni Dranreb at nilingon naman siya ni Javion.

"No but they are." seryosong sagot ng binata habang nakaturo sa kotseng nagliliyab parin.

"Pinatay niyo sila, ibig-sabihin mga kriminal rin kayo." takot na sabi naman ni Matthew.

"Alam kung hindi mo maiintindihan, alam kung mahirap para sa'yo na intindihin kung bakit kailangan naming pumatay. Magkaiba ang mundo natin, nawalan ako ng magulang sa maling paraan at nangako ako sa sarili ko na ibibigay ko ang hustisya para sa magulang ko."

"Hindi sa ganitong bagay Cameron. Wala sa kamay mo ang pumatay ng tao na pumatay sa magulang mo." giit ni Quincy at mabilis na pinunasan ang kanyang mga luha.

"There is also nothing the police can do if I let them do it." akma na naman niyang hahawakan ito ngunit muli na naman umilag ang dalaga.

"Wag mo akong hawakan."

"A-re y-ou scared of me?"

Hindi agad sumagot ang dalaga at nanatili lamang nakatingin sa kanya.

"Hindi ako magmamahal ng isang kriminal."

Cameron's tears slowly fell as Quincy said those words. He could feel the pain in his chest as he tried to get that painful word into his mind.

Pakiramdam ng binata ay babagsak ang kanyang katawan ano mang oras.

"Ba-by. Nangako ka sakin. Nangako ka sakin na kahit anong mangyari tatanggapin mo kung ano at sino ako. Do not you love me anymore?" direktang tanong ni Cameron habang patuloy ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

"Mahal kita Cameron pero hindi ko kayang magmahal ng taong mamatay tao."

"Isa na akong kriminal sa paningin mo pero ako parin iyong lalaking minahal mo. Ako parin yung Cameron na nagustuhan mo, ako parin yung Cameron na walang ginawa sa mundo kundi puro katarantaduhan, ako parin yung Cameron na nangako sayo." pinunasan ng binata ang kanyang mata at muling tiningnan ang lahat kaibigan. "Ito kami, pumapatay kami ng tao dahil may dahilan. Ito kami na marami ng binawian ng buhay. Ito yung araw na kinakatakutan ko na mangyari, ang malaman niyo kung sino at ano kami." dagdag pa nito ngunit walang nagsalita sa kanila.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now