CHAPTER FIFTY FIVE

228 13 0
                                    

A few days passed without Quincy hearing any news about Cameron and Javion. Even about Monzanto's death, no news has been released on it.

Bumuntong-hininga si Quincy at tuluyan ng pumasok sa loob ng campus. Nakita niya sa waiting shed ang mga kaibigan na naghihintay sa kanya.

"Good morning Quincy." bati nina Dranreb sa kanya ng tuluyan siyang makalapit sa mga ito.

"Good morning." pilit ngiting tugon niya.

Tiningnan niya isa-isa ang mga ito at tanging wala doon ang magpinsan. He also looked in the parking lot and he did not see Cameron and Javion's car.

"Bestie, tara na." yaya sa kanya ni Princess.

Tumango na lamang ang dalaga at nagsimula na silang maglakad papunta sa kanilang building. Wala sino man sa mga ito ang magbubukas ng topic tungkol sa nangyari iyon dahil ayaw narin nilang pag-usapan pa.

"Kita nalang tayo Babe mamaya." pamamaalam ni Kyle sa kasintahan.

"Hmm. See yah later." yumakap ang dalaga sa binata pati narin kay Quincy bago tumakbo papunta sa kanyang building.

"Paano? Kita-kita nalang mamayang breaktime?" tanong ni Dranreb habang tinatapik-tapik ang balikat nina Kyle.

"Hmm. Mauna na kami." wika ni Calvin at mabilis na hinawakan ang kamay ni Quincy.

Gustong magtanong ng dalaga sa mga ito kung nag-uusap ba sila nina Cameron ngunit wala siyang lakas ng loob. Hindi niya rin maiwasang mag-alala sa kalagayan ng kasintahan. Hindi niya rin alam kung nasaan ba ito at wala rin siyang natatanggap ni isang tawag o message galing rito.

"Are you okay?" biglang tanong sa kanya ni Calvin.

"Sa totoo lang, hindi ko alam." mahinang sagot ni Quincy.

"I Know you're still can't forget what happened. Well, it's normal for us to think such a thing but maybe it would be better if we could talk to them now."

"A-lam mo ba kung nasaan sila?"

"We also have no idea. They don’t answer all our calls, even Dean doesn’t know where the two are."

Nakaramdam ng lungkot ang dalaga ng marinig ang balitang iyon. Gusto niyang umiyak ng umiyak ngunit wala ng lumalabas na luha sa kanyang mata.

"Sa tingin mo ba? Nasaktan natin sina Cameron? Lalo na ako. Alam kung may mga nasabi ako na alam kung mali. Nadala lang ako sa emosyon ko."

Bumuntong-hininga si Calvin at pilit na ngumiti sa dalaga. Bahagya niyang ginulo ang buhok nito bago niyakap.

"Don't even think about that. Everything will be alright." bulong ng binata.

Pagpasok nina Dranreb ng kanilang classroom, inaasahan nilang makikita nila sina Cameron at Javion ngunit blanko ang upuan ng mga ito. Tahimik ang mga ito na naupo sa kanilang table at panay lingon sa pintuan at hinihintay na pumapasok ang dalawa. Maya't-maya nilang ginagawa iyon hanggang sa dumating ang kanilang professor.

"Good morning class."

"Good morning Sir. Martinez."

"Where's Mr. Safstrom and Mr. Nachreiner? Kababalik lang ng klase, wala agad sila?" tanong nito ng makitang wala ang dalawa.

Nagkatinginan ang mga magkakaibigan at nagkibit-balikat na lamang.

"Nasaan na kaya ang dalawang iyon?" tanong ni Matthew.

"Baka galit satin." malungkot na sagot naman ni Brix.

"Kahit naman galit sila, papasok sila pero hindi tayo papansinin." nakangiwing singit naman ni Race.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now