CHAPTER EIGHTY ONE

209 9 0
                                    

Bumuntong-hininga si Cameron at dahan-dahang kinuha ang kanyang cellphone.

"Hello?" bungad ng kausap nito sa kabilang linya.

"Give me the address and I'll go." seryosong sagot nito.

Nang sabihin nito ang address, mabilis na pinatay ni Cameron ang tawag na iyon. Napabuntong-hininga na lamang siya at dahan-dahang nilingon ang kapatid na kinakausap sina Alfred at Enrique.

"I will just go somewhere." pamamaalam ni Cameron kay Javion na nakaupo sa single sofa.

Akmang lalakad ang binata ngunit mabilis siyang napigilan ni Javion.

"Alam ko ang binabalak mong gawin, Cameron." wika niya. "Sasama ako."

"Hindi mo na kailangan sumama, Javion. Hindi ko hahayaan ang sarili kong mapahamak."

Inalis ni Cameron ang kamay nitong nakahawak sa kanyang jacket. Pasimple niya pang tiningnan ang kapatid at mabilis na lumabas ng mansion. Kaagad siyang pumasok sa kotse at tinahak ang address na ibinigay ni Vincent.

Paglipas ng ilang oras ay narating niya ang abandonadong bahay. Sobrang tahimik lamang ng paligid at tanging ihip lang ng hangin ang maririnig. Nakita ng binata ang itim na kotse na alam niyang pagmamay-ari ni Roa.

Huminga ng malala si Cameron bago lumabas sa kanyang kotse. Itinago niya ang baril sa likuran at nagsimulang naglakad papasok doon. Nakabukas na ang pintuan dahilan para hindi na siya mahirapan. Nakita niya ang lamesa na may nakapatong na mga pagkain, tiningnan niya ang hagdanan pataas bago lingunin ang mahabang pasilyo patungo sa isang kwarto. Maingat siyang humakbang papalapit doon, amoy na amoy na ang dugo habang papalapit ng papalapit doon.

"I don't expect you to go alone. I admire you."

Natigilan si Cameron ng marinig niya ang boses ng binata sa kanyang likuran. Mabilis niyang hinugot ang kanyang baril at humarap rito para itutok iyon.

Ngumisi na lamang si Vincent at dahan-dahang sumandal sa ding-ding. Pinagkrus niya ang mga kamay pati narin ang mga paa.

"If you come here to kill me, do it. My life no longer counts."

Ibinaba ni Cameron ang hawak-hawak na baril at napalingon sa matandang parang mahimbing na natutulog. Kalat ang dugo nito sa paligid at bahagya naring namumulta ang katawan nito.

"My father is gone." malungkot na anas ni Vincent habang nakatingin sa bangkay.

Hindi alam ni Cameron kung anong magiging reaksyon rito. Ang inaasahan niyang magkakaroon ng alitan sa pagitan nilang dalawa.

"You now know the feeling of losing a loved one in life?" may galit sa tono ng pananalita ni Cameron.

Dahan-dahang ngumiti si Vincent at tiningnan siya.

"I don't know why we have to enter that kind of life, we are happy even without the chamberlain society. Everything only changed when my father entered that society. He has changed, he is no longer the Alfonso Roa I knew." unti-unting tumulo ang luha pababa sa pisngi ni Vincent habang sinasabi ang mga bagay na iyon.

"He knew what he was doing. He was at the right age and he knew what society was fighting for they had was wrong. They kill defenseless people, they spread evil in the world."

"I know very little why you are here today. I also know you want to overthrow chamberlain society."

Hindi nagsalita si Cameron, nanatili lamang ang tingin niya kay Roa. Ramdam na ramdam niya parin ang galit namumuo sa kanyang dibdib sa mga oras na iyon. Gusto niyang barilin ang katawan nito hanggang siya ay magsawa.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now