•CHAPTER TWENTY EIGHT•

397 35 2
                                    

Quincy opened her door. She went inside then looked at Cameron. Tinuon ng binata ang kanyang kamay sa dingding bago ngitian ang dalaga. Kanina niya pa napapasin ang pamumula nito kaya hindi niya maiwasang matawa.

"Maghihiwalay na naman tayo Quincy. Sumama ka nalang kaya sakin?"

Gamit ang isang kamay, hinagod-hagod ni Cameron ang pinsngi ni Quincy.

"Tsk ma-gtig-il ka nga Cameron. Magkikita naman tayo ulit kinabukasan." nauutal-utal pang sagot nito sa kanya.

"Antagal ng umaga Baby."

"Wag ka ng makulit. Sige na, may gagawin pa ako." humakbang ang dalaga at mabilis na hinalikan ang pisngi niya.

"Fine! Susundin sana kita bukas kaso masyado pang maaga para sayo kaya mabagot ka lang."

"Sunduin moko bukas. Papanoorin kita."

"Talaga?"

"Hmm oo kaya sige na. Tama na ang pagiging makulit Cameron." natatawang sagot niya dahilan tumawa rin si Cameron.

"Alright. Let me hug you again Baby."

Hindi na nakasagot pa ang dalaga ng bigla siyang hilahin ni Cameron at niyakap ng sobrang higpit. Wala na siyang nagawa kundi tugunan na lamang ang yakap na iyon.

"I love you. I really really really love you Quincy." bulong ni Cameron sa mismong tenga nito.

Unti-unting nagwala ang mga paru-paro sa tiyan ni Quincy. Nararamdaman niya ang kiliti sa iba't-ibang bahagi ng kanyang katawan. Gusto niyang magtatalon sa sobrang kilig ngunit hindi niya maigalaw ang kanyang katawan.

"I'm going now." pahabol pa nito bago bitawan ang dalaga.

Wala sa sariling tumango si Quincy at mabilis na sinarado ang pintuan. Napasandal na lamang siya sa likuran ng pintuan at mabilis na hinawakan ang kanyang dibdib na sobrang bilis ng tibok noon.

"What's wrong with her?" natatawang tanong ni Cameron habang umiling-iling.

Hindi narin siya nagtagal pa doon at mabilis ng naglakad papunta sa labas. Sumakay sa kanyang kotse at pinaharurot iyon papalay sa apartment nito.

Nang makabawi na si Quincy, inihiga niya ang sarili sa sariling kama. Pinagmasdan niya ang kisame habang pinipilit na tanggalin sa kanyang isip ang sinabi ni Cameron.

"Argh! Bakit ganon?!" tanong niya sa sarili habang nagpapadyak pa.

Inaamin niya sa sarili niyang kinikilig siya.

Dumating si Cameron sa bahay, binuksan niya ang pintuan at nagulat siya sa kanyang nakita.

Nakaupo ito sa single sofa, naka-upong pambabae habang nakapatong ang dalawang kamay sa arm rest noon. Seryosong-seryoso ang mata nito na nakatingin sa kanya. Umangat ang kanyang paningin kay Javion na nasa likuran nito.

Nagkibit-balikat na lamang ang kanyang pinsan dahil ultimong siya ay nagulat rin ng makauwi.

"Kuya." kinakabahang pagtawag ni Cameron sa kapatid.

Hindi sumagot sa kanya ang kapatid. Nanatili itong seryoso habang nakatingin sa kanya. Tiningnan ni Cameron ang orasan bago mag-lakad papalapit rito. Dahan-dahan siyang umupo habang ang ulo ay nakayuko.

"I'm here now Cameron. Siguro naman ay maipapaliwanag mo na sakin ang lahat." ma-awtoridad na sambit ni Atticus.

"Gusto ko siya Kuya."

"Then?"

"Gusto ko si Quincy at sa kanya ko gustong matali. Hindi ko alam kung paano nagsimula pero alam ko sa sarili kung gusto ko siya Kuya." unti-unting umangat ang tingin ni Cameron para labanan ang tingin ng kanyang kapatid.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now