CHAPTER FIFTY TWO

319 13 0
                                        

"Alam niyo?! Kanina pa tayo paikot-ikot ng mall, wala parin tayong regalo para kay Race!" iritang sigaw Javion sa mga kaibigan.

Kanina pa silang umaga nasa loob ng mall at hanggang ngayon ay panay parin ang ikot nila doon.

Nandodoon ang magkakaibigan para bumili ng regalo para kay Race para sa darating na birthday nito ngunit wala silang maisip na maiiregalo dahil alam na naman ng gusto ng binata ay kanya ng nakuha.

"Pagod na pagod na ako. Bakit ba kasi ang tagal nating bumili? Dinaig pa natin ang mga babae!" sambit naman ni Dranreb matapos makaupo sa couch na nasa kanyang tabi.

"Ano pa bang ibibigay natin kay Race? Nasa kanya na ang lahat ng gusto niya." ani Dwight.

"Bigyan kaya natin ng bra?" tanong ni Jethro.

"Oh kaya'y lingerie." nakangiti pang suggest ni Kyle sa mga ito.

"Ano namang gagawin ni Race sa mga yun?" kunot-noong tanong ni Brix.

"Susuotin niya tapos sasayawan niya tayo ng spaghetti song."

Napabuntunghininga na lamang si Calvin dahil sa mga pinagsasabi ng kaibigan niya. Kung nandoon lamang si Cameron ay kanina pa nito napagmumura ang kaibigan.

Tiningnan niya ang paligid at nakita niya ang isang customize shop. Nagsimula siyang maglakad doon ng hindi manlang sinasabihan ang mga kaibigan.

"Hoy Calvin! Saan ka pupunta?" tanong ni Matthew.

"Sundan natin."

Mabilis na tumayo ang mga ito at sinundan ang kaibigan. Natigilan lamang sila sa pagtakbo ng makarating na sa loob noon. Inikot nila ang kanilang paningin sa kabuohan ng shop. Maraming nandoon, clothes at jewelries.

"Anong ginagawa natin dito Calvin?" bulong ni Javion.

"Good afternoon Sir." bati ng babae sa kanila.

"Good afternoon, can I see this?" turo ni Calvin sa panlalaking kwintas.

"Sure Sir."

Binuksan ng dalaga ang sliding glass at kinuha ang tinuro ni Calvin.

"What can be put on its pendant?" seryosong tanong ni Calvin habang nakatingin sa hawak-hawak na kwintas.

"You can enter the initial of the name as well as the year Sir." impit na kilig na sagot muli ng dalaga.

Pinagmasdan iyon ni Calvin na parang pinag-aaralan kung saan gawa ang bagay na iyon. Tinitingnan lang rin naman siya nina Javion.

"Can you put "R" on the front and November 4, 1999 on the back?"

"Of course."

"Alright, I'll take it."

"Fill up this form Sir."

Nang maibigay ng saleslady ang papel kay Calvin, kaagad niyang isinulat ang information tungkol sa kanya.

"Makakapaghintay po ba kayo ng 30 minutes?"

"Yeah sure, no problem." walang emosyong sagot ni Calvin.

"Anong re-regalo natin?" busangot na tanong ni Kyle sa mga kaibigan.

"Oo nga? Hindi naman natin pwedeng bigyan ng ganon. Anong gagawin niya sa sobrang daming kwintas?" masungit na tanong naman ni Dwight.

"Kumuha nalang tayo ng kung anong makikita natin dito." wika ni Javion at mabilis ng umikot sa lugar.

Bumuntong-hininga na lamang sina Dranreb at naghanap narin ng pwedeng ibigay sa kaibigan.

Loving You Is A Losing GameStories to obsess over. Discover now