•CHAPTER NINETEEN•

404 39 3
                                    

Cameron quickly grabbed Quincy's waist so she wouldn't fall to the floor. Sabay-sabay na pinagmasdan nina Javion ang dalawa. Their lips parted as they looked at Cameron and Quincy.

"Ah oh." nakangising bulong ni Matthew.

Nagtatakbo ang mga ito papalapit sa tayo ng tatlo. Cameron and Quincy looked at each other, she could feel Cameron's grip on her waist.

"Are you okay?" Cameron asked worriedly.

Panay naman ang paglunok ni Quincy habang nakatingin sa mga mata ni Cameron. Sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib sa sobrang kaba.

"ROMEO, SAVE ME, THEY'RE TRYNA TELL ME HOW TO FEEL
THIS LOVE IS DIFFICULT, BUT IT'S REAL DON'T BE AFRAID, WE'LL MAKE IT OUT OF THIS MESS IT'S A LOVE STORY, BABY, JUST SAY, "YES" OH, OH" biglang pagkanta nina Javion dahilan para matauhan si Quincy.

Mabilis siyang umayos ng tayo at tinanggal ang yakap ni Cameron sa kanyang bewang. Mabilis siyang tumabi sa kaibigan at mabilis na yumuko.

"Ayos ka lang ba?" nag-alalang tanong ni Calvin.

Bahagya niya pang natulak si Cameron sa sobrang pagmamabilis na makalapit sa dalaga.

"A-yos lang ako Cal."

"Sinabi ko kasi sa'yong delikado bestie. Mabuti nalang nasalo ka ni Cameron." mahinang bulong nito sa kaibigan.

Naiilang na tumingala si Quincy at tiningnan ang binata. Nakatingin lang rin ito sa kanya ngunit walang karea-reaksyon.

"Tha-nk you."

"Ano ba kasing pinagagawa niyo?" Cameron asked his friend seriously.

They quickly pointed at Javion who was surprised by what they did. Nanlalaki naman ang mata ni Javion na umiling-iling habang nakatingin sa pinsan.

"Siya talaga yun Cameron. Siya nagpasimuno magtagu-taguan." panlalaglag ni Dranreb sa kaibigan.

"I didn’t expect anything like this to happen." nakangusong sagot naman nito pero hindi naman siya pinansin ng pinsan.

Sinulyapan niya pa si Quincy bago tumalikod sa mga ito.

"Ikaw kasi!"

"Bakit kailangan niyo akong sisihin?!" sigaw ni Javion kina Dranreb.

"Bakit ka nagagalit?"

"Pwakanangina mo Dwight!"

Napapakamot na lamang sa kanyang sintido si Quincy habang nakatingin sa mga ito. Tiningnan niya si Calvin na nag-aalala parin. Pilit na lamang siyang ngumiti at naglakad papasok sa loob.

Sumunod naman ang ito at naupo sa kani-kanilang table.

Hiyang-hiya parin si Quincy sa kaibigan ni Calvin. Halos hindi na siya makatingin sa mga ito. Hinawakan niya ang kamay ni Princess dahilan para mapatingin si Princess sa kanya.

"Ano ng nangyayari sayo?" nag-aalalang tanong ng kaibigan.

"Nakakahiya ba yung ginawa?" nakatungo ding tanong ni Quincy sa kanya.

"Hindi nakakahiya kundi nakaka-inis no. Masyado mo akong pinag-aalala Bestie! Paano kapag hindi ka nasalo ni Cameron? Baka kung ano ng
nangyari sayo." parang inang nanenermon na sagot nito sa kanya.

"Sorry na."

Napatingin ang dalawa ng makitang lumapit si Atticus sa kapatid. Walang reaksyon ang mukha nito habang kinakausap si Cameron. Bumuntong-hininga naman ang binata bago tumango at tumayo.

Loving You Is A Losing GameWhere stories live. Discover now