•CHAPTER SEVEN•

493 42 6
                                        

Tumigil ang sinasakyang kotse ni Zanjoe sinabing lugar ni Cameron. Nasa loob pa lamang siya ng kotse ay nakikita na niya ang mga ito sa loob na nag-aayos na ng mga dekorasyon para sa gender reveal na gaganapin mamaya. Lumabas na siya doon ng makita si Cameron.

"You're here now." bungad agad ng binata sa kanya.

Napatingin sina Javion rito at sabay-sabay na nagtaas ng kilay. Ngumisi na lamang siya bago sinulyapan ng tingin si Cameron.

"Mind your own business. Nandidito na ang lahat ng kailangan mo. Kung may tanong ka, tanungin mo si JP." wika nito na mabilis naman niyang tinanguan.

Tiningnan niya muna ang buong venue. Maganda na iyon dahil nasimulan ng dekorasyonan nina Javion kanina. Unti-unti naring dumadating ang lahat ng pagkain kaya mas kailangan nilang bilisan ang paggawa.

Napangiti na lamang siya bago sinimulang tumulong sa iba. Pinagsabihan narin ni Cameron ang mga kaibigan na hayaan ang binata dahil kung hindi baka mauwi lamang sa away ang mga ito.

Bumuntong-hininga na lamang muli si Cameron bago maupo sa isang table. Pinagmamasdan niya sina Javion na busy sa kani-kanilang ginagawa. Hanggang ngayon ay wala parin siyang maramdaman kahit anong saya o excitement manlang. Gustong-gusto na niyang umuwi dahil kailangan siya ng kanyang kapatid pero gaya nga ng sabi nito, mas kailangan siya rito kaya wala naman siyang magawa kundi sumunod na lamang kay Atticus.

"Ang bobo mo naman bakit diyan mo nilalagay yung lobo?!" sigaw ni JP kay Kyle.

Pinag-aawayan nila kung saan ilalagay ang pink na pinakamalaking lobo.

"Dito naman talaga 'to! Tanga!" sigaw rin ni Kyle kay Javion.

Mabilis na inagaw ni Kyle ang lobo sa binata at muling inalagay sa pinakatuktok ng mga nakapaikot na lobo.

"Hindi ba kayo titigil na dalawa diyan? Pati ba naman yan pag-aawayan niyo pa? Mga inutil!" sigaw naman ni Dwight.

Ngumisi na lamang si Cameron bago kunin ang kanyang cellphone. Sa pag s-scroll down niya sa kanyang social media account, natigilan siya ng mapansin ang post ni Princess. Kumunot ang kanyang noo ng makitang kasama ng dalawang dalaga ang kambal. Mabilis niyang hinahanap si Calvin na busy naman sa pagaayos ng lamesa. Muli siyang nagbaba ng tingin doon saka pinindot ang video.

"Oh magkakasama pala nina Calvin sina Quincy." ani Race ng lumapit siya sa binata.

Masyadong napalakas ang boses niya dahilan para marinig iyon ng iba. Sabay-sabay na tumingin sina Javion kay Calvin na nagtataka naman ang istura. Parang mga naging si the flash ang mga itong nagsilapitan kina Cameron para tingnan kung anong meron sa cellphone noon.

Nakita nila na kumakanta doon si Quincy.

"Bakit kayo magkakasama?" nagtatakang tanong ni Jethro.

Ngumisi si Calvin at nagsimulang maglakad papunta sa kanilang tayo. Isinandal niya ang likuran sa glass wall bago pinagkrus ang mga braso. Tiningnan niya ang mga kaibigan na mukhang naghihintay ng kasagutan.

"Galing kami sa restaurant nina Dad. Sinamahan namin si Quincy sa pag-iikot don para alam na niya ang pupuntahan niya kapag nag trabaho na siya. Wala naman kaming balak mag-mall pero dahil may kakambal akong isip-bata wala na kaming magawa kundi sumama." paliwanag nito na kinakunot ng noo ni Cameron.

"Work?" ang unang salitang lumabas kay Cameron.

"Yeah work."

"For what?"

Loving You Is A Losing GameStories to obsess over. Discover now