Paglapag na paglapag pa lamang ng private jet sa France, mabilis na nagtatakbo sina Kyle at pinagmasdan ang Eiffel tower. Unti-unting natigilan si Quincy at hindi makapaniwalang tiningnan ang bagay na iyon. Gusto niyang magtatalon sa tuwa dahil sa wakas ay nakita na niya sa personal ang Eiffel tower.
"Bienvenue dans notre pays." nakangiting wika ni Xavia sa mga ito.
Trans: Welcome to our country.
"Let us all rest first before you enjoy the place." anas naman ni Atticus bago mag-lakad papalayo.
"Let's go Baby."
Hinawakan ni Cameron ang kamay ni Quincy at sumunod sa kanyang kapatid. Hindi parin makapaniwala ang dalaga habang silang naglalakad patungo sa kanilang pansamantalang tutuluyan.
Pinagmasdan niya ang bawat agrikultura na kanilang nadadaanan. Gandang-ganda siya doon kahit na makaluma na ang mga disenyo.
"Bon retour, Miss Xavia et Sir Atticus." bati sa kanila ng isang nasa medyo may katandaan ng lalaki.
Trans: Welcome back, Miss Xavia and Sir Atticus.
"Merci. Les chambres sont-elles prêtes pour nos visiteurs ?" tanong ni Atticus rito.
Trans: Thank you. Are the rooms ready for our visitors?
"Tout est prêt."
Trans: Everything is ready.
Bahagyang humakbang si Cameron papalapit sa kapatid dahilan para lingunin siya ng lalaki. Dahan-dahan siyang ngumiti rito bago nagsalita.
"Ravi de te revoir, Eugène."
Trans: Nice to see you again, Eugene.
Binati siya nito at niyakap pa. Matagal na magmula ng pumunta doon si Cameron at naging malapit ang loob nito kay Eugene. Bata pa ang binata kaya hindi kaagad siya nito nakilala.
"C'est toi Cameron ?" gulat na tanong pa nito at lumapit pa sa kanya.
Trans: Is that you Cameron?
Mabilis na tumango ang binata at masaya siyang niyakap. Tuwang-tuwa naman ito at tinugunan ang yakap ni Cameron.
"Cela fait un moment que je ne t'ai pas vu." masayang anito.
Trans: It's been a while since I saw you.
"Ouais.Je suis avec Javion maintenant.Mon ennemi numéro un." mabilis na hinikit ni Cameron ang pinsan at muling ngumiti sa kay Eugene.
Trans: Yeah. I am with Javion now. My number one enemy.
Sumama ang tingin ni Javion sa pinsan at pilit na ngumiti sa matanda. Tandang-tanda niya pa kung paano siya pagtulungan ng dalawa noong panahon nasa France sila.
"Comment vas-tu ?Te souviens-tu encore de moi ?Je suis le garçon que tu as toujours battu." mapaklang sambit ni Javion at tumawa-tawa naman ito.
Trans: How are you ? Do you still remember me I'm the boy you've always beaten.
"Je me souviens de toi.Tu es déjà un homme maintenant."
Trans: I remember you. You are already a man now.
Sabay na tumawa ang dalawa at tiningnan ang mga kaibigan. Pinakilala nina Cameron ang mga kaibigan sa mga ito at natigilan si Quincy ng dumapo ang mata ni Cameron sa kanya. Hinawakan ng binata ang kanyang kamay at muling tiningnan si Eugene.
![](https://img.wattpad.com/cover/278886914-288-k839953.jpg)
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
General FictionDifferent person but the same affection Opposite identity but the same affinity A kind of person with a different lifestyle and beliefs in life and a woman who has a peaceful world. Cameron is his name, the most annoying man in the entire universe...